Juan 9:1-7
Juan 9:1-7 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Sa paglalakad ni Jesus, nakita niya ang isang lalaking ipinanganak na bulag. Tinanong siya ng kanyang mga alagad, “Guro, sino po ang nagkasala at ipinanganak na bulag ang lalaking ito, siya ba o ang kanyang mga magulang?” Sumagot si Jesus, “Ipinanganak siyang bulag, hindi dahil sa nagkasala siya, o ang kanyang mga magulang, kundi upang mahayag ang kapangyarihan ng Diyos sa pamamagitan niya. Kailangang gawin natin ang mga ipinapagawa ng nagsugo sa akin habang umaga pa; malapit na ang gabi, at wala nang makakagawa pagsapit niyon. Habang ako'y nasa sanlibutan, ako ang ilaw ng sanlibutan.” Pagkasabi nito, dumura si Jesus sa lupa at gumawa ng putik. Pagkatapos, ipinahid niya ito sa mata ng bulag. Sinabi ni Jesus sa bulag, “Pumunta ka sa deposito ng tubig sa Siloe at maghilamos ka roon.” Ang kahulugan ng salitang Siloe ay Sinugo. Ganoon nga ang ginawa ng bulag, at nang magbalik siya ay nakakakita na.
Juan 9:1-7 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Habang naglalakad si Hesus, may nakita siyang isang lalaki. Ang lalaking ito ay ipinanganak na bulag. Tinanong si Hesus ng mga alagad niya, “Guro, sino po ba ang nagkasala at ipinanganak siyang bulag? Siya po ba o ang mga magulang niya?” Sumagot si Hesus, “Hindi dahil sa kasalanan niya o ng mga magulang niya kaya ipinanganak siyang bulag. Nangyari ito upang maipakita ang kapangyarihan ng Diyos sa pamamagitan ng pagpapagaling sa kanya. Dapat na nating gawin ang mga ipinapagawa ng Diyos na siyang nagsugo sa akin habang araw pa, dahil pagsapit ng gabi ay wala nang makakapagtrabaho. Habang akoʼy nasa mundo, ako ang ilaw ng mundo.” Pagkasabi niya nito, dumura siya sa lupa, gumawa ng putik mula sa dura at ipinahid niya sa mata ng bulag. Sinabi ni Hesus sa bulag, “Pumunta ka sa paliguan ng Shiloam at maghilamos ka roon.” (Ang ibig sabihin ng Siloam ay “Sinugo”.) Pumunta nga roon ang bulag at naghilamos. Nang bumalik siya ay nakakakita na siya.
Juan 9:1-7 Ang Biblia (TLAB)
At sa pagdaraan niya, ay nakita niya ang isang lalaking bulag mula sa kaniyang kapanganakan. At itinanong sa kaniya ng kaniyang mga alagad, na nangagsasabi, Rabi, sino ang nagkasala, ang taong ito, o ang kaniyang mga magulang, upang siya'y ipanganak na bulag? Sumagot si Jesus, Hindi dahil sa ang taong ito'y nagkasala, ni ang kaniyang mga magulang man: kundi upang mahayag sa kaniya ang mga gawa ng Dios. Kinakailangan nating gawin ang mga gawa niyaong nagsugo sa akin, samantalang araw: dumarating ang gabi, na walang taong makagagawa. Samantalang ako'y nasa sanglibutan, ako ang ilaw ng sanglibutan. Nang masabi niya ang ganito, siya'y lumura sa lupa, at pinapagputik ang lura, at pinahiran ang mga mata niya ng putik, At sinabi sa kaniya, Humayo ka, maghugas ka sa tangke ng Siloe (na kung liliwanagin ay Sinugo). Siya nga'y humayo, at naghugas, at nagbalik na nakakakita.
Juan 9:1-7 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Sa paglalakad ni Jesus, nakita niya ang isang lalaking ipinanganak na bulag. Tinanong siya ng kanyang mga alagad, “Guro, sino po ang nagkasala at ipinanganak na bulag ang lalaking ito, siya ba o ang kanyang mga magulang?” Sumagot si Jesus, “Ipinanganak siyang bulag, hindi dahil sa nagkasala siya, o ang kanyang mga magulang, kundi upang mahayag ang kapangyarihan ng Diyos sa pamamagitan niya. Kailangang gawin natin ang mga ipinapagawa ng nagsugo sa akin habang umaga pa; malapit na ang gabi, at wala nang makakagawa pagsapit niyon. Habang ako'y nasa sanlibutan, ako ang ilaw ng sanlibutan.” Pagkasabi nito, dumura si Jesus sa lupa at gumawa ng putik. Pagkatapos, ipinahid niya ito sa mata ng bulag. Sinabi ni Jesus sa bulag, “Pumunta ka sa deposito ng tubig sa Siloe at maghilamos ka roon.” Ang kahulugan ng salitang Siloe ay Sinugo. Ganoon nga ang ginawa ng bulag, at nang magbalik siya ay nakakakita na.
Juan 9:1-7 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)