Juan 6:19-20
Juan 6:19-20 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Nang makasagwan na sila nang may lima o anim na kilometro, nakita nila si Jesus na lumalakad sa ibabaw ng tubig papalapit sa bangka, at sila'y natakot. Ngunit sinabi ni Jesus sa kanila, “Huwag na kayong matakot. Ako si Jesus!”
Juan 6:19-20 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Nang makasagwan na sila nang mga lima o anim na kilometro, nakita nila si Hesus na naglalakad sa ibabaw ng tubig papalapit sa kanila, at natakot sila. Ngunit sinabi sa kanila ni Hesus, “Ako ito! Huwag kayong matakot.”
Juan 6:19-20 Ang Biblia (TLAB)
Nang sila nga'y mangakagaod na ng may dalawangpu't lima o tatlongpung estadio, ay kanilang nakita si Jesus na lumalakad sa ibabaw ng dagat, at lumalapit sa daong: at sila'y nangahintakutan. Datapuwa't sinabi niya sa kanila, Ako nga; huwag kayong mangatakot.
Juan 6:19-20 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Nang makasagwan na sila nang may lima o anim na kilometro, nakita nila si Jesus na lumalakad sa ibabaw ng tubig papalapit sa bangka, at sila'y natakot. Ngunit sinabi ni Jesus sa kanila, “Huwag na kayong matakot. Ako si Jesus!”
Juan 6:19-20 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)