Juan 6:15-21
Juan 6:15-21 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Nahalata ni Jesus na lalapit ang mga tao at pipilitin siyang gawing hari, kaya't umalis siyang muli at mag-isang umakyat sa bundok. Nang magtatakip-silim na, ang mga alagad ay pumunta sa tabi ng lawa. Sumakay sila sa bangka at naglayag papuntang Capernaum. Madilim na'y wala pa si Jesus. Biglang lumakas ang hangin at lumaki ang alon. Nang makasagwan na sila nang may lima o anim na kilometro, nakita nila si Jesus na lumalakad sa ibabaw ng tubig papalapit sa bangka, at sila'y natakot. Ngunit sinabi ni Jesus sa kanila, “Huwag na kayong matakot. Ako si Jesus!” Tuwang-tuwa nilang pinasakay si Jesus; at kaagad na nakarating ang bangka sa kanilang pupuntahan.
Juan 6:15-21 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Alam ni Hesus na balak ng mga taong kunin siya at sapilitang gawing hari. Kaya umalis siya roon at nagpatuloy na umakyat sa bundok na iyon nang mag-isa. Nang gumagabi na, bumaba sa tabi ng lawa ang mga alagad ni Hesus para doon siya hintayin. Ngunit nang madilim na at wala pa rin si Hesus, sumakay na sila sa isang bangka at tumawid papuntang Capernaum. Nagsimulang lumakas ang hangin at lumaki ang mga alon. Nang makasagwan na sila nang mga lima o anim na kilometro, nakita nila si Hesus na naglalakad sa ibabaw ng tubig papalapit sa kanila, at natakot sila. Ngunit sinabi sa kanila ni Hesus, “Ako ito! Huwag kayong matakot.” Malugod nilang pinasakay si Hesus sa bangka, at nakarating agad sila sa kanilang pupuntahan.
Juan 6:15-21 Ang Biblia (TLAB)
Nang mapaghalata nga ni Jesus na sila'y magsisilapit at siya'y agawin, upang siya'y gawing hari, ay muling nagbalik sa bundok na nagiisa. At nang kinahapunan, ay nagsilusong ang kaniyang mga alagad sa dagat; At nagsilulan sila sa isang daong, at kanilang tinatawid ang dagat hanggang sa Capernaum. At madilim na nga, at hindi dumarating sa kanila si Jesus. At lumalaki ang dagat dahil sa isang malakas na hanging humihihip. Nang sila nga'y mangakagaod na ng may dalawangpu't lima o tatlongpung estadio, ay kanilang nakita si Jesus na lumalakad sa ibabaw ng dagat, at lumalapit sa daong: at sila'y nangahintakutan. Datapuwa't sinabi niya sa kanila, Ako nga; huwag kayong mangatakot. Malugod nga nilang tinanggap siya sa daong: at pagdaka'y dumating ang daong sa lupang kanilang tinutumpa.
Juan 6:15-21 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Nahalata ni Jesus na lalapit ang mga tao at pipilitin siyang gawing hari, kaya't umalis siyang muli at mag-isang umakyat sa bundok. Nang magtatakip-silim na, ang mga alagad ay pumunta sa tabi ng lawa. Sumakay sila sa bangka at naglayag papuntang Capernaum. Madilim na'y wala pa si Jesus. Biglang lumakas ang hangin at lumaki ang alon. Nang makasagwan na sila nang may lima o anim na kilometro, nakita nila si Jesus na lumalakad sa ibabaw ng tubig papalapit sa bangka, at sila'y natakot. Ngunit sinabi ni Jesus sa kanila, “Huwag na kayong matakot. Ako si Jesus!” Tuwang-tuwa nilang pinasakay si Jesus; at kaagad na nakarating ang bangka sa kanilang pupuntahan.
Juan 6:15-21 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)