Juan 5:28-29
Juan 5:28-29 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Huwag ninyo itong pagtakhan, sapagkat darating ang oras na maririnig ng mga patay ang kanyang tinig. Sila'y muling mabubuhay; lahat ng gumawa ng kabutihan ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan, at lahat ng gumawa ng kasamaan ay paparusahan.”
Juan 5:28-29 Ang Salita ng Diyos (ASD)
“Huwag kayong magtaka tungkol dito, dahil darating ang oras na maririnig ng lahat ng patay ang aking tinig, at babangon sila mula sa kanilang mga libingan. Ang mga gumawa ng mabuti ay muling babangon upang mabuhay nang walang hanggan, at ang mga gumawa ng masama ay babangon para maparusahan.
Juan 5:28-29 Ang Biblia (TLAB)
Huwag ninyong ipanggilalas ito: sapagka't dumarating ang oras, na ang lahat ng nangasa libingan ay makaririnig ng kaniyang tinig, At magsisilabas; ang mga nagsigawa ng mabuti, ay sa pagkabuhay na maguli sa buhay; at ang mga nagsigawa ng masama, ay sa pagkabuhay na maguli sa paghatol.
Juan 5:28-29 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Huwag ninyo itong pagtakhan, sapagkat darating ang oras na maririnig ng mga patay ang kanyang tinig. Sila'y muling mabubuhay; lahat ng gumawa ng kabutihan ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan, at lahat ng gumawa ng kasamaan ay paparusahan.”
Juan 5:28-29 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)