Juan 2:15 - Compare All Versions
Juan 2:15 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
Kumuha siya ng lubid at ginawa iyong panghagupit, at ipinagtabuyan niyang palabas ang mga nagtitinda, pati na ang mga baka at tupa. Isinabog niya ang salapi ng mga namamalit ng pera at ipinagtataob ang kanilang mga mesa.
Juan 2:15 ASD (Ang Salita ng Diyos)
Kaya gumawa siya ng panghagupit na lubid, at itinaboy niya silang lahat palabas ng Templo, kasama ang mga tupa at mga baka. Ikinalat niya ang salapi ng mga tagapalit ng pera at itinaob ang mga lamesa nila.
Juan 2:15 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
Kumuha siya ng lubid at ginawa iyong panghagupit, at ipinagtabuyan niyang palabas ang mga nagtitinda, pati na ang mga baka at tupa. Isinabog niya ang salapi ng mga namamalit ng pera at ipinagtataob ang kanilang mga mesa.
Juan 2:15 TLAB (Ang Biblia)
At ginawa niyang isang panghampas ang mga lubid, itinaboy niyang lahat sa templo, ang mga tupa at gayon din ang mga baka; at ibinubo niya ang salapi ng mga mamamalit, at ginulo ang kanilang mga dulang
Juan 2:15 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))