Juan 2:13-22
Juan 2:13-22 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Malapit na ang Paskwa ng mga Judio kaya't pumunta si Jesus sa Jerusalem. Nakita niya sa Templo ang mga nagtitinda ng mga baka, tupa at kalapati, at ang mga namamalit ng salapi. Kumuha siya ng lubid at ginawa iyong panghagupit, at ipinagtabuyan niyang palabas ang mga nagtitinda, pati na ang mga baka at tupa. Isinabog niya ang salapi ng mga namamalit ng pera at ipinagtataob ang kanilang mga mesa. Pinagsabihan niya ang mga nagtitinda ng kalapati, “Alisin ninyo rito ang mga iyan! Huwag ninyong gawing palengke ang bahay ng aking Ama!” Naalala ng kanyang mga alagad ang sinasabi sa kasulatan, “Ang malasakit ko sa iyong tahanan, matinding-matindi sa aking kalooban.” Dahil dito'y tinanong siya ng mga pinuno ng Judio, “Anong himala ang maipapakita mo upang patunayang may karapatan kang gawin ito?” Sumagot si Jesus, “Gibain ninyo ang Templong ito, at sa loob ng tatlong araw ay muli ko itong itatayo.” Sinabi ng mga pinuno ng Judio, “Apatnapu't anim na taóng ginawa ang Templong ito, at itatayo mo sa loob lamang ng tatlong araw?” Ngunit ang templong tinutukoy ni Jesus ay ang kanyang katawan. Kaya't nang siya'y muling mabuhay, naalala ng kanyang mga alagad na sinabi niya ito, at lalo silang naniwala sa kasulatan at sa mga itinuro ni Jesus.

Juan 2:13-22 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Malapit na noon ang Pista ng Paglampas ng Anghel, kaya pumunta si Hesus sa Jerusalem. Pumasok siya sa patyo ng Templo at nadatnan niya roon ang mga nagtitinda ng mga baka, tupa, at mga kalapati, at ang mga tagapalit ng pera na nakapuwesto sa mga lamesa nila. Kaya gumawa siya ng panghagupit na lubid, at itinaboy niya silang lahat palabas ng Templo, kasama ang mga tupa at mga baka. Ikinalat niya ang salapi ng mga tagapalit ng pera at itinaob ang mga lamesa nila. Sinabi ni Hesus sa mga nagtitinda ng mga kalapati, “Alisin ninyo ang mga iyan! Huwag ninyong gawing palengke ang bahay ng aking Ama!” Naalala ng mga alagad niya ang sinabi sa Kasulatan, “Ikapapahamak ko ang pagmamalasakit ko sa inyong bahay.” Dahil sa ginawa niya, tinanong siya ng mga pinuno ng mga Hudyo, “Anong himala ang maipapakita mo sa amin bilang patunay na may karapatan kang gawin ito?” Sinagot sila ni Hesus, “Gibain ninyo ang Templong ito, at sa loob ng tatlong araw ay itatayo kong muli.” Sinabi naman nila, “Ginawa ang Templong ito nang apatnapuʼt anim na taon at itatayo mo sa loob lamang ng tatlong araw?” Ngunit ang Templong tinutukoy ni Hesus ay ang kanyang katawan. Kaya nang nabuhay siyang muli, naalala ng mga alagad niya ang sinabi niyang ito, at naniwala sila sa pahayag ng Kasulatan at sa mga sinabi niya.
Juan 2:13-22 Ang Biblia (TLAB)
At malapit na ang paskua ng mga Judio, at umahon si Jesus sa Jerusalem. At nasumpungan niya sa templo yaong nangagbibili ng mga baka at mga tupa at mga kalapati, at ang mga mamamalit ng salapi na nangakaupo: At ginawa niyang isang panghampas ang mga lubid, itinaboy niyang lahat sa templo, ang mga tupa at gayon din ang mga baka; at ibinubo niya ang salapi ng mga mamamalit, at ginulo ang kanilang mga dulang; At sa nangagbibili ng mga kalapati ay sinabi niya, Alisin ninyo rito ang mga bagay na ito; huwag ninyong gawin ang bahay ng aking Ama na bahay-kalakal. Napagalaala ng kaniyang mga alagad na nasusulat, Kakanin ako ng sikap sa iyong bahay. Ang mga Judio nga'y nagsisagot at sa kaniya'y sinabi, Anong tanda ang maipakikita mo sa amin, yamang ginawa mo ang mga bagay na ito? Sumagot si Jesus at sa kanila'y sinabi, Igiba ninyo ang templong ito, at aking itatayo sa tatlong araw. Sinabi nga ng mga Judio, Apat na pu't anim na taon ang pagtatayo ng templong ito, at itatayo sa tatlong araw? Datapuwa't sinasalita niya ang tungkol sa templo ng kaniyang katawan. Nang magbangon na maguli nga siya sa mga patay, ay naalaala ng kaniyang mga alagad na sinalita niya ito; at nagsisampalataya sila sa kasulatan, at sa salitang sinabi ni Jesus.
Juan 2:13-22 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Malapit na ang Paskwa ng mga Judio kaya't pumunta si Jesus sa Jerusalem. Nakita niya sa Templo ang mga nagtitinda ng mga baka, tupa at kalapati, at ang mga namamalit ng salapi. Kumuha siya ng lubid at ginawa iyong panghagupit, at ipinagtabuyan niyang palabas ang mga nagtitinda, pati na ang mga baka at tupa. Isinabog niya ang salapi ng mga namamalit ng pera at ipinagtataob ang kanilang mga mesa. Pinagsabihan niya ang mga nagtitinda ng kalapati, “Alisin ninyo rito ang mga iyan! Huwag ninyong gawing palengke ang bahay ng aking Ama!” Naalala ng kanyang mga alagad ang sinasabi sa kasulatan, “Ang malasakit ko sa iyong tahanan, matinding-matindi sa aking kalooban.” Dahil dito'y tinanong siya ng mga pinuno ng Judio, “Anong himala ang maipapakita mo upang patunayang may karapatan kang gawin ito?” Sumagot si Jesus, “Gibain ninyo ang Templong ito, at sa loob ng tatlong araw ay muli ko itong itatayo.” Sinabi ng mga pinuno ng Judio, “Apatnapu't anim na taóng ginawa ang Templong ito, at itatayo mo sa loob lamang ng tatlong araw?” Ngunit ang templong tinutukoy ni Jesus ay ang kanyang katawan. Kaya't nang siya'y muling mabuhay, naalala ng kanyang mga alagad na sinabi niya ito, at lalo silang naniwala sa kasulatan at sa mga itinuro ni Jesus.
Juan 2:13-22 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)