Juan 13:1-3
Juan 13:1-3 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Bisperas na noon ng Paskwa. Alam ni Jesus na dumating na ang panahon ng kanyang pag-alis sa daigdig na ito upang bumalik sa Ama. Mahal niya ang kanyang mga tagasunod na nasa daigdig, at sila'y iniibig niya hanggang sa wakas. Sa panahon ng hapunan, inilagay na ng diyablo sa isip ni Judas, na anak ni Simon Iscariote, na ipagkakanulo niya si Jesus sa mga Judio. Nalalaman ni Jesus na ibinigay na ng Ama sa kanya ang buong kapangyarihan; alam din niyang siya'y mula sa Diyos at babalik sa Diyos.
Juan 13:1-3 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Bisperas noon ng Pista ng Paglampas ng Anghel, alam ni Hesus na dumating na ang panahon ng pag-alis niya sa mundong ito upang bumalik sa Ama. Mahal na mahal niya ang kanyang mga alagad dito sa mundo, at ipinakita niya ang kanyang pagmamahal sa kanila hanggang sa katapusan. Nang gabing iyon, naghapunan si Hesus kasama ang kanyang mga alagad. Inudyukan na ni Satanas si Judas Iscariote, na anak ni Simon, na ipagkanulo niya si Hesus. Alam ni Hesus na ipinasailalim ng Ama sa kanyang kapangyarihan ang lahat. At alam din niyang galing siya sa Diyos at babalik din sa Diyos.
Juan 13:1-3 Ang Biblia (TLAB)
Bago nga magpista ng paskua, sa pagkaalam ni Jesus na dumating na ang kaniyang oras ng paglipat niya mula sa sanglibutang ito hanggang sa Ama, sa pagkaibig sa mga kaniya na nangasa sanglibutan, ay inibig niya sila hanggang sa katapusan. At habang humahapon, nang mailagay na ng diablo sa puso ni Judas Iscariote, na anak ni Simon, ang pagkakanulo sa kaniya. Si Jesus, sa pagkatalastas na ibinigay na ng Ama ang lahat ng mga bagay sa kaniyang mga kamay, at siya'y nanggaling sa Dios, at sa Dios din paroroon
Juan 13:1-3 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Bisperas na noon ng Paskwa. Alam ni Jesus na dumating na ang panahon ng kanyang pag-alis sa daigdig na ito upang bumalik sa Ama. Mahal niya ang kanyang mga tagasunod na nasa daigdig, at sila'y iniibig niya hanggang sa wakas. Sa panahon ng hapunan, inilagay na ng diyablo sa isip ni Judas, na anak ni Simon Iscariote, na ipagkakanulo niya si Jesus sa mga Judio. Nalalaman ni Jesus na ibinigay na ng Ama sa kanya ang buong kapangyarihan; alam din niyang siya'y mula sa Diyos at babalik sa Diyos.
Juan 13:1-3 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)