Juan 1:1-5
Juan 1:1-5 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Nang pasimula ay naroon na ang Salita; ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang Salita ay Diyos. Sa pasimula ay kasama na siya ng Diyos. Nilikha ang lahat ng bagay sa pamamagitan niya, at walang anumang nalikha nang hindi sa pamamagitan niya. Ang nilikha sa kanya ay may buhay, at ang buhay ay siyang ilaw ng sangkatauhan. Nagliliwanag sa kadiliman ang ilaw, at hindi ito nagapi kailanman ng kadiliman.
Juan 1:1-5 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Nang pasimula, naroon na ang Salita. Ang Salita ay kasama ng Diyos at ang Salita ay Diyos. Sa simula pa lang ay kasama na siya ng Diyos. Nilikha ang lahat ng bagay sa pamamagitan niya, at kung wala siya, walang anumang nilikha ang nalikha. Nasa kanya ang buhay at ang buhay na ito ang siyang ilaw na nagbibigay-liwanag sa mga tao. Ang ilaw na itoʼy nagliliwanag sa kadiliman, at kailanmaʼy hindi madadaig ng kadiliman.
Juan 1:1-5 Ang Biblia (TLAB)
Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios. Ito rin nang pasimula'y sumasa Dios. Ang lahat ng mga bagay ay ginawa sa pamamagitan niya; at alin man sa lahat ng ginawa ay hindi ginawa kung wala siya. Nasa kaniya ang buhay; at ang buhay ay siyang ilaw ng mga tao. At ang ilaw ay lumiliwanag sa kadiliman; at ito'y hindi napagunawa ng kadiliman.
Juan 1:1-5 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Nang pasimula ay naroon na ang Salita; ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang Salita ay Diyos. Sa pasimula ay kasama na siya ng Diyos. Nilikha ang lahat ng bagay sa pamamagitan niya, at walang anumang nalikha nang hindi sa pamamagitan niya. Ang nilikha sa kanya ay may buhay, at ang buhay ay siyang ilaw ng sangkatauhan. Nagliliwanag sa kadiliman ang ilaw, at hindi ito nagapi kailanman ng kadiliman.
Juan 1:1-5 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)