Juan 1:1-18
Juan 1:1-18 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Nang pasimula ay naroon na ang Salita; ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang Salita ay Diyos. Sa pasimula ay kasama na siya ng Diyos. Nilikha ang lahat ng bagay sa pamamagitan niya, at walang anumang nalikha nang hindi sa pamamagitan niya. Ang nilikha sa kanya ay may buhay, at ang buhay ay siyang ilaw ng sangkatauhan. Nagliliwanag sa kadiliman ang ilaw, at hindi ito nagapi kailanman ng kadiliman. At naparito si Juan na isinugo ng Diyos upang magpatotoo sa mga tao patungkol sa ilaw at upang ang lahat ay sumampalataya dito. Hindi siya ang ilaw subalit naparito siya upang magpatotoo patungkol sa ilaw. Ito ang tunay na ilaw: dumarating ito sa sanlibutan upang magbigay liwanag sa lahat ng tao. Dumating ang Salita sa sanlibutan ngunit hindi siya kinilala ng sanlibutang ito na nilikha sa pamamagitan niya. Pumunta siya sa kanyang bayan ngunit hindi siya tinanggap ng sarili niyang kababayan. Subalit ang lahat ng tumanggap at sumampalataya sa kanya ay binigyan niya ng karapatang maging mga anak ng Diyos. Sila nga ay naging mga anak ng Diyos, hindi dahil sa isinilang sila ayon sa kalikasan o sa kagustuhan o sa kagagawan ng tao kundi ang pagiging anak nila ay dahil sa kalooban ng Diyos. Ang Salita ay naging tao at nanirahan sa piling namin. Nakita namin ang kaluwalhatiang tunay na kanya bilang kaisa-isang Anak ng Ama. Siya ay puspos ng kagandahang-loob at ng katotohanan. Nagpatotoo si Juan tungkol sa kanya. Isinisigaw niya, “Siya ang tinutukoy ko nang aking sabihin, ‘Ang darating na kasunod ko'y higit kaysa sa akin, sapagkat siya ay naroon na bago pa man ako ipanganak.’” Dahil siya'y puspos ng pag-ibig, naranasan natin ang masaganang kagandahang-loob ng Diyos. Dumating ang Kautusan sa amin sa pamamagitan ni Moises; ngunit sa pamamagitan naman ni Jesu-Cristo ay dumating ang kagandahang-loob at katotohanan. Kailanma'y wala pang taong nakakita sa Diyos, ngunit siya ay ipinakilala ng kaisa-isang Diyos na lubos na minamahal ng Ama.
Juan 1:1-18 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Nang pasimula, naroon na ang Salita. Ang Salita ay kasama ng Diyos at ang Salita ay Diyos. Sa simula pa lang ay kasama na siya ng Diyos. Nilikha ang lahat ng bagay sa pamamagitan niya, at kung wala siya, walang anumang nilikha ang nalikha. Nasa kanya ang buhay at ang buhay na ito ang siyang ilaw na nagbibigay-liwanag sa mga tao. Ang ilaw na itoʼy nagliliwanag sa kadiliman, at kailanmaʼy hindi madadaig ng kadiliman. May isang taong nagngangalang Juan na isinugo ng Diyos. Isinugo siya bilang saksi upang magpatotoo tungkol sa ilaw, nang sa gayon ay sumampalataya ang lahat ng tao sa pamamagitan niya. Hindi si Juan ang mismong ilaw, kundi naparito siya upang magpatotoo tungkol sa ilaw. Ang tunay na ilaw na nagbibigay-liwanag sa lahat ng tao ay dumating na sa mundo. Pumarito siya sa mundo ngunit hindi siya kinilala ng mundo, bagamaʼt nilikha ang mundo sa pamamagitan niya. Dumating siya sa sarili niyang bayan, ngunit hindi siya tinanggap ng kanyang mga kababayan. Gayunpaman, ang lahat ng tumanggap at sumampalataya sa kanya ay binigyan niya ng karapatang maging anak ng Diyos. Naging anak sila ng Diyos, hindi sa pamamagitan ng pisikal na pagkasilang dahil sa kagustuhan ng laman o kalooban ng tao, kundi ng Diyos. Naging tao ang Salita at namuhay kasama namin. Nakita namin ang kaluwalhatian niya bilang kaisa-isang Anak ng Ama, puspos ng kagandahang-loob at katotohanan. Nagpatotoo si Juan tungkol sa kanya at ito ang kanyang sinabi: “Siya ang tinutukoy ko nang sabihin kong, ‘May isang darating na kasunod ko na higit kaysa sa akin, sapagkat narito na siya bago pa man ako ipanganak.’ ” Sa kasaganaan ng kanyang kagandahang-loob ay tumanggap tayong lahat ng abot-abot na pagpapala. Ibinigay sa atin ng Diyos ang Kautusan sa pamamagitan ni Moises, ngunit ang kagandahang-loob at katotohanan ay natanggap natin sa pamamagitan ni Hesu-Kristo. Walang sinumang nakakita sa Diyos; ngunit ang kanyang kaisa-isang Anak, na Diyos mismo at pinakamalapít sa Ama ang nagpakilala sa kanya.
Juan 1:1-18 Ang Biblia (TLAB)
Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios. Ito rin nang pasimula'y sumasa Dios. Ang lahat ng mga bagay ay ginawa sa pamamagitan niya; at alin man sa lahat ng ginawa ay hindi ginawa kung wala siya. Nasa kaniya ang buhay; at ang buhay ay siyang ilaw ng mga tao. At ang ilaw ay lumiliwanag sa kadiliman; at ito'y hindi napagunawa ng kadiliman. Naparito ang isang tao, na sugong mula sa Dios, na ang kaniyang pangalan ay Juan. Ito'y naparitong saksi, upang kaniyang patotohanan ang ilaw, upang sa pamamagitan niya'y magsisampalataya ang lahat. Hindi siya ang ilaw, kundi pumarito upang kaniyang patotohanan ang ilaw. Nagkaroon ng tunay na ilaw, sa makatuwid baga'y ang ilaw na lumiliwanag sa bawa't tao, na pumaparito sa sanglibutan. Siya'y nasa sanglibutan, at ang sanglibuta'y ginawa sa pamamagitan niya, at hindi siya nakilala ng sanglibutan. Siya'y naparito sa sariling kaniya, at siya'y hindi tinanggap ng mga sariling kaniya. Datapuwa't ang lahat ng sa kaniya'y nagsitanggap, ay pinagkalooban niya sila ng karapatang maging mga anak ng Dios, sa makatuwid baga'y ang mga nagsisisampalataya sa kaniyang pangalan: Na mga ipinanganak na hindi sa dugo, ni sa kalooban ng laman, ni sa kalooban ng tao, kundi ng Dios. At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan. Pinatotohanan siya ni Juan, at sumigaw, na nagsasabi, Ito yaong aking sinasabi, Ang pumaparitong nasa hulihan ko ay magiging una sa akin: sapagka't siya'y una sa akin. Sapagka't sa kaniyang kapuspusan ay nagsitanggap tayong lahat, at biyaya sa biyaya. Sapagka't ibinigay sa pamamagitan ni Moises ang kautusan; ang biyaya at ang katotohanan ay nagsidating sa pamamagitan ni Jesu-cristo. Walang taong nakakita kailan man sa Dios; ang bugtong na Anak, na nasa sinapupunan ng Ama, siya ang nagpakilala sa kanya.
Juan 1:1-18 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Nang pasimula ay naroon na ang Salita; ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang Salita ay Diyos. Sa pasimula ay kasama na siya ng Diyos. Nilikha ang lahat ng bagay sa pamamagitan niya, at walang anumang nalikha nang hindi sa pamamagitan niya. Ang nilikha sa kanya ay may buhay, at ang buhay ay siyang ilaw ng sangkatauhan. Nagliliwanag sa kadiliman ang ilaw, at hindi ito nagapi kailanman ng kadiliman. At naparito si Juan na isinugo ng Diyos upang magpatotoo sa mga tao patungkol sa ilaw at upang ang lahat ay sumampalataya dito. Hindi siya ang ilaw subalit naparito siya upang magpatotoo patungkol sa ilaw. Ito ang tunay na ilaw: dumarating ito sa sanlibutan upang magbigay liwanag sa lahat ng tao. Dumating ang Salita sa sanlibutan ngunit hindi siya kinilala ng sanlibutang ito na nilikha sa pamamagitan niya. Pumunta siya sa kanyang bayan ngunit hindi siya tinanggap ng sarili niyang kababayan. Subalit ang lahat ng tumanggap at sumampalataya sa kanya ay binigyan niya ng karapatang maging mga anak ng Diyos. Sila nga ay naging mga anak ng Diyos, hindi dahil sa isinilang sila ayon sa kalikasan o sa kagustuhan o sa kagagawan ng tao kundi ang pagiging anak nila ay dahil sa kalooban ng Diyos. Ang Salita ay naging tao at nanirahan sa piling namin. Nakita namin ang kaluwalhatiang tunay na kanya bilang kaisa-isang Anak ng Ama. Siya ay puspos ng kagandahang-loob at ng katotohanan. Nagpatotoo si Juan tungkol sa kanya. Isinisigaw niya, “Siya ang tinutukoy ko nang aking sabihin, ‘Ang darating na kasunod ko'y higit kaysa sa akin, sapagkat siya ay naroon na bago pa man ako ipanganak.’” Dahil siya'y puspos ng pag-ibig, naranasan natin ang masaganang kagandahang-loob ng Diyos. Dumating ang Kautusan sa amin sa pamamagitan ni Moises; ngunit sa pamamagitan naman ni Jesu-Cristo ay dumating ang kagandahang-loob at katotohanan. Kailanma'y wala pang taong nakakita sa Diyos, ngunit siya ay ipinakilala ng kaisa-isang Diyos na lubos na minamahal ng Ama.
Juan 1:1-18 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)