Jeremias 9:3-9
Jeremias 9:3-9 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Sila'y laging handang magsabi ng kasinungalingan; kasamaan ang namamayani sa halip na katotohanan. Ganito ang sabi ni Yahweh: “Sunod-sunod na kasamaan ang ginagawa ng aking bayan, at ako'y hindi nila nakikilala.” Mag-ingat kayo kahit sa inyong mga kaibigan, kahit kapatid ay huwag pagkatiwalaan; sapagkat mandaraya lahat ng kapatid, katulad ni Jacob, at bawat isa'y naninira sa kanyang kaibigan. Ang lahat ay nandaraya sa kanyang kapwa, walang nagsasabi ng katotohanan; dila nila'y sanay sa pagsisinungaling, sila'y patuloy sa pagkakasala, at hindi naiisip ang magsisi. Ang kanilang kasalanan ay patung-patong na, hindi tumitigil sa pandaraya sa iba. Kahit na si Yahweh hindi kinikilala. Kaya sinabi ni Yahweh, ang Makapangyarihan sa lahat, “Pahihirapan ko ang bansang ito upang sila'y subukin. Sapagkat ano pa ang aking magagawa sa bayan kong naging masama? Parang makamandag na pana ang kanilang mga dila, lahat ng sinasabi ay pawang pandaraya. Magandang mangusap sa kanilang kapwa, ngunit ang totoo, balak nila ay masama. Hindi ba nararapat na parusahan ko sila? Hindi ba dapat lang na maghiganti ako sa kanila? Ako, si Yahweh, ang nagsasabi nito.”
Jeremias 9:3-9 Ang Salita ng Diyos (ASD)
“Lagi silang handang magsinungaling na parang pana na handa nang itudla. Kasinungalingan ang namamayani sa lupaing ito at hindi ang katotohanan. Malala na ang paggawa nila ng kasalanan at hindi nila ako kinikilala,” wika ng PANGINOON. “Mag-ingat kayo sa kapwa ninyo at huwag kayong magtiwala sa mga kamag-anak nʼyo, sapagkat ang bawat isa ay mandaraya at naninira ng kapwa. Dinadaya ng bawat isa ang kapwa niya at wala ni isa ang nagsasalita ng katotohanan. Sanay na sa pagsisinungaling ang kanilang mga dila at pinapagod nila ang sarili nila sa paggawa ng kasalanan. Puro na lang pandaraya ang kanilang ginagawa, at dahil sa pandaraya ay ayaw na nila akong kilalanin,” sabi ng PANGINOON. Kaya ito ang sinasabi ng PANGINOON ng mga Hukbo: “Dadalisayin ko sila na parang metal at susubukin ko sila. Ano pa ang maaari kong gawin sa kanila? Ang kanilang mga dila ay parang panang nakamamatay. Puro na lang pandaraya ang kanilang sinasabi. Nakikipag-usap sila nang mabuti sa kapwa nila ngunit sa puso nilaʼy masama ang binabalak nila. Hindi baʼt nararapat ko silang parusahan? Hindi ba dapat na paghigantihan ko ang bansang katulad nito?” wika ng PANGINOON.
Jeremias 9:3-9 Ang Biblia (TLAB)
At pinamimilantik nila ang kanilang dila gaya ng kanilang busog, dahil sa kabulaanan; at sila'y nagsisitakas sa lupain, nguni't hindi para sa katotohanan: sapagka't sila'y nagpatuloy mula sa kasamaan hanggang sa kasamaan, at hindi nila ako nakikilala, sabi ng Panginoon. Mangagingat bawa't isa sa inyo sa kaniyang kapuwa, at huwag kayong mangagkatiwala sa kanino mang kapatid; sapagka't bawa't kapatid ay mangaagaw, at bawa't kapuwa ay makikisama sa mapanirang puri. At mangagdaya bawa't isa sa kanila sa kaniyang kapuwa, at hindi mangagsasalita ng katotohanan: kanilang tinuruan ang kanilang dila na magsalita ng kabulaanan; sila'y nangagpakapagod upang gumawa ng kasamaan. Ang iyong tahanan ay nasa gitna ng pangdadaya: dahil sa pangdadaya ay ayaw silang kumilala sa akin, sabi ng Panginoon. Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Narito, aking lilituhin sila, at susubukin sila; sapagka't ano pa ang aking magagawa, dahil sa anak na babae ng aking bayan? Ang kanilang dila ay panang nakamamatay; nagsasalita ng karayaan: nagsasalitang may kapayapaan ng kaniyang bibig sa kaniyang kapuwa, nguni't bumabakay siya ng kaniyang puso sa kaniya. Hindi ko baga dadalawin sila dahil sa mga bagay na ito? sabi ng Panginoon; hindi baga manghihiganti ako sa isang bansa na gaya nito?
Jeremias 9:3-9 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Sila'y laging handang magsabi ng kasinungalingan; kasamaan ang namamayani sa halip na katotohanan. Ganito ang sabi ni Yahweh: “Sunod-sunod na kasamaan ang ginagawa ng aking bayan, at ako'y hindi nila nakikilala.” Mag-ingat kayo kahit sa inyong mga kaibigan, kahit kapatid ay huwag pagkatiwalaan; sapagkat mandaraya lahat ng kapatid, katulad ni Jacob, at bawat isa'y naninira sa kanyang kaibigan. Ang lahat ay nandaraya sa kanyang kapwa, walang nagsasabi ng katotohanan; dila nila'y sanay sa pagsisinungaling, sila'y patuloy sa pagkakasala, at hindi naiisip ang magsisi. Ang kanilang kasalanan ay patung-patong na, hindi tumitigil sa pandaraya sa iba. Kahit na si Yahweh hindi kinikilala. Kaya sinabi ni Yahweh, ang Makapangyarihan sa lahat, “Pahihirapan ko ang bansang ito upang sila'y subukin. Sapagkat ano pa ang aking magagawa sa bayan kong naging masama? Parang makamandag na pana ang kanilang mga dila, lahat ng sinasabi ay pawang pandaraya. Magandang mangusap sa kanilang kapwa, ngunit ang totoo, balak nila ay masama. Hindi ba nararapat na parusahan ko sila? Hindi ba dapat lang na maghiganti ako sa kanila? Ako, si Yahweh, ang nagsasabi nito.”
Jeremias 9:3-9 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)