Jeremias 9:25-26
Jeremias 9:25-26 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Sinabi pa ni Yahweh, “Darating ang panahong paparusahan ko ang lahat ng tinuli ngunit ang puso'y hindi naman nababago; mga taga-Egipto, Juda, Edom, Ammon, Moab at lahat ng naninirahan sa disyerto at ang mga nagpuputol ng kanilang buhok. Sila at lahat ng mga taga-Israel ay hindi pa nagkakaroon ng panloob na pagbabago bagaman sila ay tinuli ayon sa laman.”
Jeremias 9:25-26 Ang Salita ng Diyos (ASD)
“Darating ang araw,” sabi ng PANGINOON, “na parurusahan ko ang lahat ng tinuli, na ang kanilang pamumuhay ay hindi nabago, ang mga taga-Ehipto, Juda, Edom, Amon, Moab, at ang lahat ng nakatira sa malalayong ilang. Sapagkat ang lahat ng mga bansang ito ay hindi tuli at pati ang mga mamamayan ng Israel ay matitigas ang puso.”
Jeremias 9:25-26 Ang Biblia (TLAB)
Narito, ang mga kaarawan ay dumarating, sabi ng Panginoon, na aking parurusahan silang lahat na nangatuli sa hindi tunay na pagkatuli. Ang Egipto, at ang Juda, at ang Edom, at ang mga anak ni Ammon, at ang Moab, at lahat ng nagsisigupit ng laylayan ng kaniyang buhok, na nagsisitahan sa ilang; sapagka't lahat ng mga bansa ay hindi tuli, at ang buong sangbahayan ni Israel ay hindi tuli sa puso.
Jeremias 9:25-26 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Sinabi pa ni Yahweh, “Darating ang panahong paparusahan ko ang lahat ng tinuli ngunit ang puso'y hindi naman nababago; mga taga-Egipto, Juda, Edom, Ammon, Moab at lahat ng naninirahan sa disyerto at ang mga nagpuputol ng kanilang buhok. Sila at lahat ng mga taga-Israel ay hindi pa nagkakaroon ng panloob na pagbabago bagaman sila ay tinuli ayon sa laman.”
Jeremias 9:25-26 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)