Jeremias 8:16 - Compare All Versions
Jeremias 8:16 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
Naririnig hanggang sa lunsod ng Dan ang ingay ng mga kabayo ng kaaway. Nanginginig na sa takot ang buong bansa sa yabag pa lamang ng mga kabayong pandigma. Dumating na ang wawasak sa ating lupain at sa lahat ng naroon; sa ating lunsod at sa lahat ng naninirahan doon.”
Jeremias 8:16 ASD (Ang Salita ng Diyos)
Ang singhal ng kabayo ng mga kaaway ay naririnig mula sa Dan. Sa halinghing pa lang ng kanilang mga kabayo, nanginginig na ang buong lupain. Dumating sila upang wasakin ang lupaing ito at ang lahat ng naririto; ang mga lungsod at ang lahat ng mamamayan nito.
Jeremias 8:16 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
Naririnig hanggang sa lunsod ng Dan ang ingay ng mga kabayo ng kaaway. Nanginginig na sa takot ang buong bansa sa yabag pa lamang ng mga kabayong pandigma. Dumating na ang wawasak sa ating lupain at sa lahat ng naroon; sa ating lunsod at sa lahat ng naninirahan doon.”
Jeremias 8:16 TLAB (Ang Biblia)
Ang singasing ng kaniyang mga kabayo ay naririnig mula sa Dan: sa tinig ng halinghing ng kaniyang mga malakas ay nayayanig ang buong lupain; sapagka't sila'y nagsidating, at nilamon ang lupain at lahat ng naroon; ang bayan at yaong mga nagsisitahan doon.
Jeremias 8:16 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))