Jeremias 50:25
Jeremias 50:25 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Binuksan ni Yahweh ang taguan ng mga sandata at inilabas ang mga sandata dahil sa kanyang poot; sapagkat may gagawin si Yahweh, ang Makapangyarihang Panginoon, sa lupain ng Babilonia.
Jeremias 50:25 Ang Salita ng Dios (ASND)
Binuksan ko ang aking taguan ng mga armas at inilabas ko ang mga sandata dahil sa aking galit. Sapagkat ako, ang Panginoong DIOS na Makapangyarihan ay may gagawin sa iyo, O Babilonia.
Jeremias 50:25 Ang Biblia (TLAB)
Binuksan ng Panginoon ang kaniyang lalagyan ng almas, at inilabas ang mga almas ng kaniyang pagkagalit; sapagka't ang Panginoon, ang Panginoon ng mga hukbo, ay may gawang gagawin sa lupain ng mga Caldeo.