Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Jeremias 32:6-15

Jeremias 32:6-15 Ang Salita ng Diyos (ASD)

Sinabi pa ni Jeremias, “Sinabi sa akin ng PANGINOON na si Hanamel na anak ng tiyo kong si Salum ay lalapit sa akin at magsasabi, ‘Bilhin mo ang bukid ko sa Anatot. Dahil ikaw ang pinakamalapít kong kamag-anak, may karapatan at tungkulin kang bilhin ito.’ “Gaya nga ng sinabi sa akin ng PANGINOON, pumunta sa akin si Hanamel na pinsan ko roon sa himpilan ng mga guwardiya. Sinabi niya sa akin, ‘Bilhin mo ang bukid ko roon sa Anatot sa lupain ng lahi ni Benjamin. May karapatan at tungkulin ka upang tubusin at mapasaiyo, kaya bilhin mo na iyon.’ ” Alam kong kalooban ito ng PANGINOON, kaya binili ko ang bukid na iyon kay Hanamel sa halagang labimpitong pirasong pilak. Nilagdaan at tinatakan niya ang mga kasulatan ng bilihan sa harap ng mga saksi at tinimbang ang pilak bilang kabayaran. Pagkatapos, kinuha ko ang mga kasulatang may tatak at ang kopyang walang tatak kung saan nakasulat ang mga kasunduan at tuntunin ng bilihan. At ibinigay ko ito kay Baruc na anak ni Nerias na apo ni Maaseias, sa harap ni Hanamel at ng mga saksi na pumirma sa mga kasulatang ito, at sa harap ng lahat ng Hudyo na nakaupo sa himpilan ng mga guwardiya. At sa harap nilaʼy sinabi ko kay Baruc na ito ang sinasabi ng PANGINOON ng mga Hukbo, ang Diyos ng Israel, “Kunin mo ang mga kasulatang natatakan at hindi natatakan, at ilagay mo sa palayok upang hindi ito masira at upang tumagal ito ng mahabang panahon. Sapagkat darating ang araw na muling magbibilihan ng mga ari-arian ang mga tao sa lugar na ito. Magbibilihan sila ng mga bahay, mga bukid, at mga ubasan. Ako, ang PANGINOON ng mga Hukbo, ang Diyos ng Israel, ang nagsasabi nito.”

Jeremias 32:6-15 Ang Biblia (TLAB)

At sinabi ni Jeremias, Ang salita ng Panginoon, ay dumating sa akin, na nagsasabi: Narito, si Hanamel na anak ni Sallum na iyong amain ay paroroon sa iyo, na magsasabi, Bilhin mo ang parang ko na nasa Anathoth: sapagka't ang matuwid ng pagtubos ay ukol sa iyo upang bilhin. Sa gayo'y si Hanamel na anak ng aking amain ay naparoon sa akin sa looban ng bantayan ayon sa salita ng Panginoon, at sinabi sa akin, Bilhin mo ang aking parang, isinasamo ko sa iyo, na nasa Anathoth, na nasa lupain ng Benjamin; sapagka't ang matuwid ng pagmamana ay ukol sa iyo, at ang pagtubos ay ukol sa iyo; bilhin mo para sa iyong sarili. Nang magkagayo'y nakilala ko na ito'y salita ng Panginoon. At binili ko ang parang na nasa Anathoth kay Hanamel na anak ng aking amain, at tinimbang ko sa kaniya ang salapi, na labing pitong siklong pilak. At ako'y naglagda ng pangalan sa katibayan, at aking tinatakan, at tumawag ako ng mga saksi, at tinimbang ko sa kaniya ang salapi sa timbangan. Sa gayo'y kinuha ko ang katibayan ng pagkabili, ang natatatakan, yaong ayon sa kautusan at kaugalian, at ang bukas: At ibinigay ko ang katibayan ng pagkabili kay Baruch na anak ni Nerias, na anak ni Maasias, sa harapan ni Hanamel na anak ng aking amain, at sa harap ng mga saksi na naglagda ng pangalan sa katibayan ng pagkabili, sa harap ng lahat na Judio na nakaupo sa looban ng bantayan. At ibinilin ko kay Baruch sa harap nila, na aking sinasabi, Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Iyong kunin ang mga katibayang ito, ang katibayang ito ng pagkabili, ang natatatakan, at gayon din itong katibayang bukas, at iyong isilid sa sisidlang lupa; upang tumagal ng maraming araw. Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Mga bahay, at mga parang, at mga ubasan ay mangabibili pa uli sa lupaing ito.

Jeremias 32:6-15 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)