Jeremias 30:10
Jeremias 30:10 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
“Ngunit huwag kang matakot, lingkod kong Jacob; at huwag kang manlupaypay, Israel. Ililigtas ko kayo, kahit saan kayo naroon; kahit nasa lupain ng pagkabihag ang inyong mga anak. Manunumbalik ang payapang pamumuhay ni Jacob, at siya'y sasagana at wala nang katatakutan.
Jeremias 30:10 Ang Salita ng Dios (ASND)
“Kaya huwag kayong matatakot, o manlulupaypay man, kayong mga lahi ni Jacob na lingkod ko. Ako, ang PANGINOON, ay nagsasabing kukunin ko kayo mula riyan sa malayong lugar kung saan kayo binihag. Sa pagbabalik ninyo, mamumuhay na kayo nang payapa, tahimik, at walang kinatatakutan.
Jeremias 30:10 Ang Biblia (TLAB)
Kaya't huwag kang masindak, Oh Jacob na aking lingkod, sabi ng Panginoon; huwag ka mang manglupaypay, Oh Israel: sapagka't narito, ililigtas kita mula sa malayo, at ang iyong binhi mula sa lupain ng kanilang pagkabihag; at ang Jacob ay babalik, at magiging tahimik at tiwasay, at walang tatakot sa kaniya.
Jeremias 30:10 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
“Ngunit huwag kang matakot, lingkod kong Jacob; at huwag kang manlupaypay, Israel. Ililigtas ko kayo, kahit saan kayo naroon; kahit nasa lupain ng pagkabihag ang inyong mga anak. Manunumbalik ang payapang pamumuhay ni Jacob, at siya'y sasagana at wala nang katatakutan.
Jeremias 30:10 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)