Jeremias 23:29-32
Jeremias 23:29-32 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
“Parang apoy ang aking salita at katulad ng martilyo na dumudurog sa malaking bato. Ako'y laban sa mga propetang gumagamit ng salita ng ibang propeta at sinasabing iyon ang aking mensahe. Ako'y laban sa mga propetang kumakatha ng sariling salita at pagkatapos ay sasabihing galing iyon kay Yahweh. Ako'y laban sa mga propetang nagsasalaysay ng kasinungalingan upang dayain ang aking bayan. Hindi ko sila sinugo at wala silang kabutihang magagawa sa bayang ito.”
Jeremias 23:29-32 Ang Salita ng Diyos (ASD)
“Hindi baʼt makapangyarihan ang aking mga salita?” sabi ng PANGINOON. “Itoʼy katulad ng apoy na nakakasunog o ng martilyong nakakadurog ng bato. “Kaya laban ako sa mga propetang ginagaya lang ang mensahe ng kapwa nila propeta at sinasabi nila na galing daw ito sa akin. Laban din ako sa mga propetang gumagawa ng sariling mensahe,” sabi ng PANGINOON, “at saka sasabihing ako raw ang nagsabi niyon. Nagpapahayag sila ng mga panaginip na hindi totoo, kaya inililigaw nila ang mga mamamayan ko sa mga kasinungalingan nila. Hindi ko sila isinugo o sinabihang magsalita, kaya wala silang kabutihang maibibigay sa mga tao,” sabi ng PANGINOON.
Jeremias 23:29-32 Ang Biblia (TLAB)
Hindi baga ang aking salita ay parang apoy? sabi ng Panginoon; at parang pamukpok na dumudurog ng bato? Kaya't narito, ako'y laban sa mga propeta, sabi ng Panginoon, na ninanakaw ng bawa't isa ang aking mga salita sa kaniyang kapuwa. Narito, ako'y laban sa mga propeta, sabi ng Panginoon, na nagsisipagsalita, at nangagsasabi, Kaniyang sinasabi. Narito, ako'y laban sa kanila na nanghuhula ng mga sinungaling na panaginip, sabi ng Panginoon, at sinasaysay, at inililigaw ang aking bayan sa pamamagitan ng kanilang mga kasinungalingan, at sa pamamagitan ng kanilang walang kabuluhang kahambugan: gayon man ay hindi ko sinugo sila, o inutusan ko man sila; at hindi man pinakikinabangan nila ang bayang ito sa anomang paraan, sabi ng Panginoon.
Jeremias 23:29-32 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
“Parang apoy ang aking salita at katulad ng martilyo na dumudurog sa malaking bato. Ako'y laban sa mga propetang gumagamit ng salita ng ibang propeta at sinasabing iyon ang aking mensahe. Ako'y laban sa mga propetang kumakatha ng sariling salita at pagkatapos ay sasabihing galing iyon kay Yahweh. Ako'y laban sa mga propetang nagsasalaysay ng kasinungalingan upang dayain ang aking bayan. Hindi ko sila sinugo at wala silang kabutihang magagawa sa bayang ito.”
Jeremias 23:29-32 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)