Jeremias 18:4-6
Jeremias 18:4-6 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Kapag ang ginagawa niyang palayok ay nasira, hinahalo niyang muli ang putik, at hinuhugisan nang panibago. Pagkatapos, sinabi sa akin ni Yahweh, “O Israel, wala ba akong karapatang gawin sa iyo ang ginawa ng magpapalayok sa putik na iyon? Kayo'y nasa mga kamay ko, tulad ng putik sa kamay ng magpapalayok.
Jeremias 18:4-6 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Kapag hindi maganda ang hugis ng palayok na ginagawa niya, inuulit niya ito hanggang sa magustuhan niya ang hugis. Pagkatapos, sinabi sa akin ng PANGINOON, “O mga mamamayan ng Israel, hindi ko ba magagawa sa inyo ang ginawa ng magpapalayok sa luwad na ito?” sabi ng PANGINOON. “Kung papaanong ang luwad ay nasa kamay ng magpapalayok, kayo rin ay nasa mga kamay ko.
Jeremias 18:4-6 Ang Biblia (TLAB)
At nang mabasag sa kamay ng magpapalyok ang sisidlang putik na kaniyang ginagawa, ay gumawa siya uli ng ibang sisidlan, na minagaling na gawin ng magpapalyok. Nang magkagayo'y dumating sa akin ang salita ng Panginoon, na nagsasabi, Oh sangbahayan ni Israel, hindi baga ako makagagawa sa inyo na gaya ng paggawa ng magpapalyok na ito? sabi ng Panginoon. Narito, kung paano ang putik sa kamay ng magpapalyok, gayon kayo sa kamay ko, Oh sangbahayan ni Israel.
Jeremias 18:4-6 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Kapag ang ginagawa niyang palayok ay nasira, hinahalo niyang muli ang putik, at hinuhugisan nang panibago. Pagkatapos, sinabi sa akin ni Yahweh, “O Israel, wala ba akong karapatang gawin sa iyo ang ginawa ng magpapalayok sa putik na iyon? Kayo'y nasa mga kamay ko, tulad ng putik sa kamay ng magpapalayok.
Jeremias 18:4-6 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)