Jeremias 14:7-11
Jeremias 14:7-11 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Nagsumamo sa akin ang aking bayan: ‘Yahweh, bagaman inuusig kami ng aming mga kasalanan, gayunman, kami'y tulungan mo gaya ng iyong pangako. Tunay na maraming beses na kaming tumalikod; kami ay nagkasala laban sa iyo. Ikaw ang tanging pag-asa ng Israel, ikaw lamang ang makakapagligtas sa amin sa panahon ng kagipitan. Bakit para kang dayuhan sa aming bayan, parang isang manlalakbay na nakikitulog lamang? Bakit para kang isang taong nabigla, parang kawal na walang tulong na magawâ? Ngunit ang totoo, O Yahweh, kasama ka namin; kami ay iyong bayan, huwag mo kaming pabayaan.’” Ang sabi ni Yahweh tungkol sa mga taong ito, “Ginusto nilang lumayo sa akin, at walang nakapigil sa kanila. Kaya naman hindi ako nalulugod sa kanila. Hindi ko malilimot ang masasama nilang gawa, at paparusahan ko sila dahil sa kanilang mga kasalanan.” At sinabi sa akin ni Yahweh, “Huwag mong hilingin sa akin na tulungan ko ang mga taong ito.
Jeremias 14:7-11 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Sinabi ng mga tao, “O PANGINOON, nagkasala po kami sa inyo. Palagi kaming lumalayo sa inyo kaya dapat lang kaming parusahan. Ngunit tulungan po ninyo kami ngayon, alang-alang sa karangalan ng inyong pangalan. O PANGINOON, kayo po ang tanging pag-asa ng Israel, ang Tagapagligtas niya sa panahon ng kaguluhan. Bakit parang naging dayuhan kayo rito sa amin? Bakit naging parang manlalakbay kayo na tumitigil lang ng isang gabi sa aming bansa? Katulad rin po ba kayo ng taong walang magagawa at sundalong walang kakayahang magligtas? Kasama namin kayo, O PANGINOON, at kami ay inyong mga mamamayan, kaya huwag po ninyo kaming pababayaan.” Ito ang sagot ng PANGINOON sa kanyang mga mamamayan: “Talagang gusto nilang lumayo sa akin; ang sarili lang nilang kagustuhan ang kanilang sinusunod. Kaya ayaw ko na silang tanggapin bilang aking mga mamamayan. Hindi ko makakalimutan ang inyong kasamaan at parurusahan ko kayo.” Pagkatapos, sinabi sa akin ng PANGINOON, “Huwag kang mananalangin para sa kabutihan ng mga taong ito.
Jeremias 14:7-11 Ang Biblia (TLAB)
Bagaman ang aming mga kasamaan ay sumasaksi laban sa amin, gumawa ka alangalang sa iyong pangalan, Oh Panginoon; sapagka't ang aming mga pagtalikod ay marami; kami ay nangagkasala laban sa iyo. Oh ikaw na pagasa ng Israel, na Tagapagligtas sa kaniya sa panahon ng kabagabagan, bakit ka magiging parang nakikipamayan sa lupain, at parang gala na lumiliko na nagpaparaan ng gabi? Bakit ka magiging parang taong natigilan, parang makapangyarihan na hindi makapagligtas? gayon man ikaw, Oh Panginoon, ay nasa gitna namin, at kami ay tinatawag sa iyong pangalan; huwag mo kaming iwan. Ganito ang sabi ng Panginoon sa bayang ito, Yamang kanilang inibig ang paglaboy; hindi nila pinigil ang kanilang mga paa: kaya't hindi sila tinatanggap ng Panginoon; ngayo'y aalalahanin niya ang kanilang kasamaan, at dadalawin ang kanilang mga kasalanan. At sinabi ng Panginoon sa akin, Huwag mong idalangin ang bayang ito sa kanilang ikabubuti.
Jeremias 14:7-11 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Nagsumamo sa akin ang aking bayan: ‘Yahweh, bagaman inuusig kami ng aming mga kasalanan, gayunman, kami'y tulungan mo gaya ng iyong pangako. Tunay na maraming beses na kaming tumalikod; kami ay nagkasala laban sa iyo. Ikaw ang tanging pag-asa ng Israel, ikaw lamang ang makakapagligtas sa amin sa panahon ng kagipitan. Bakit para kang dayuhan sa aming bayan, parang isang manlalakbay na nakikitulog lamang? Bakit para kang isang taong nabigla, parang kawal na walang tulong na magawâ? Ngunit ang totoo, O Yahweh, kasama ka namin; kami ay iyong bayan, huwag mo kaming pabayaan.’” Ang sabi ni Yahweh tungkol sa mga taong ito, “Ginusto nilang lumayo sa akin, at walang nakapigil sa kanila. Kaya naman hindi ako nalulugod sa kanila. Hindi ko malilimot ang masasama nilang gawa, at paparusahan ko sila dahil sa kanilang mga kasalanan.” At sinabi sa akin ni Yahweh, “Huwag mong hilingin sa akin na tulungan ko ang mga taong ito.
Jeremias 14:7-11 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)