Jeremias 11:20
Jeremias 11:20 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
At nanalangin si Jeremias, “O Yahweh na Makapangyarihan sa lahat, ikaw ay hukom na makatarungan. Nababatid mo ang isipan at damdamin ng bawat tao. Ikaw ang maghiganti sa mga taong ito; ipinapaubaya ko sa iyong mga kamay ang anumang mangyayari sa akin.”
Jeremias 11:20 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Ngunit kayo, O PANGINOON ng mga Hukbo, matuwid po ang inyong paghatol. Nalalaman po ninyo ang isip at puso ng tao. Ipakita po ninyo sa akin ang paghihiganti ninyo sa kanila, sapagkat ipinaubaya ko sa inyo ang usaping ito!
Jeremias 11:20 Ang Biblia (TLAB)
Nguni't, Oh Panginoon ng mga hukbo, na humahatol ng matuwid, na tumatarok ng puso at ng pagiisip, ipakita mo sa akin ang iyong kagantihan sa kanila; sapagka't sa iyo inihayag ko ang aking usap.
Jeremias 11:20 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)