Jeremias 10:1-25
Jeremias 10:1-25 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Mga anak ni Israel, pakinggan ninyo ang ipinapasabi ni Yahweh. Ang sabi niya, “Huwag ninyong tutularan ang ginagawa ng ibang mga bansa; o mabahala sa nakikitang mga tanda sa kalangitan, na labis nilang kinatatakutan. Ang dinidiyos nila'y hindi maaasahan. Isang punongkahoy na pinutol sa gubat, inanyuan ng mga dalubhasang kamay, at pinalamutian ng ginto at pilak. Idinikit at pinakuan upang hindi mabuwal. Ang mga diyus-diyosang ito'y tulad sa panakot ng ibon sa gitna ng bukid, hindi nakakapagsalita; pinapasan pa sila sapagkat hindi nakakalakad. Huwag kayong matakot sa kanila sapagkat hindi sila makakagawa ng masama, at wala ring magagawang mabuti.” Wala nang ibang tulad mo, O Yahweh; ikaw ay makapangyarihan, walang kasindakila ang iyong pangalan. Sino ang hindi matatakot sa iyo, ikaw na Hari ng lahat ng bansa? Karapat-dapat lamang na ikaw ay katakutan. Kahit na piliin ang lahat ng matatalino mula sa lahat ng bansa at mga kaharian, wala pa ring makakatulad sa iyo. Silang lahat ay pawang hangal at mangmang. Ano ang maituturo sa kanila ng mga diyus-diyosang kahoy? Ang kanilang diyus-diyosa'y binalutan ng pilak na galing sa Tarsis, at ng gintong mula sa Upaz, ginawang lahat ng mahuhusay na kamay; pagkatapos ay binihisan ng kulay ube at pula na hinabi naman ng manghahabing sanay. Ngunit ikaw, Yahweh, ang tunay na Diyos, ikaw ang Diyos na buháy, at ang Haring walang hanggan. Nayayanig ang daigdig kapag ikaw ay nagagalit, at walang bansang makakatagal sa tindi ng iyong poot. Sabihin ninyo sa mga diyus-diyosan: ang sinumang hindi makalikha ng langit at lupa ay dudurugin at lubusang mawawala sa ibabaw ng daigdig. Nilikha ni Yahweh ang lupa sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan. Lumitaw ang daigdig dahil sa kanyang karunungan, at iniladlad niya ang langit sa bisa ng kanyang kaalaman. Pagkarinig sa kanyang utos, umugong ang mga tubig sa kalangitan; napagsama-sama niya ang mga ulap mula sa lahat ng hangganan ng lupa. Nagagawa niyang pakislapin ang kidlat sa gitna ng ulan, at nagpapaihip sa hangin mula sa kublihan nito. Sa harapan niya ang bawat tao'y mistulang mangmang; malalagay sa kahihiyan bawat panday sapagkat ang ginawa nilang mga diyus-diyosan ay hindi totoo at walang buhay. Sila'y walang silbi sapagkat likha lamang ng pandaraya; wawasakin silang lahat ni Yahweh. Ngunit hindi ganito ang Diyos ni Jacob; siya ang maylikha ng lahat ng bagay; at pinili niya ang Israel upang maging kanyang bayan. Yahweh ang kanyang pangalan, ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat. “Mga taga-Jerusalem na napapaligiran ng kaaway, ipunin ninyo ang inyong mga ari-arian. Palalayasin na kayo ni Yahweh at ipapatapon sa ibang lupain. Pahihirapan kayong lahat hanggang sa walang matira.” Ito ang sabi ni Yahweh. At dumaing naman ang mga taga-Jerusalem, “Napakatindi ng parusa sa amin! Hindi gumagaling ang aming mga sugat. Akala namin, ito'y aming matitiis. Ang aming mga tolda ay nawasak; napatid na lahat ang mga lubid. Ang aming mga anak ay naglayasang lahat, walang natira upang mag-ayos ng aming tolda; wala isa mang magsasabit ng mga kurtina.” At sumagot si Jeremias, “Ang aming mga pinuno'y pawang mga hangal; hindi sila sumangguni kay Yahweh. Kaya hindi sila naging matagumpay, at ang mga tao'y nagsipangalat. Makinig kayo! May dumating na balita! Nagkakagulo sa isang bansang nasa hilaga; ang kanilang hukbo ang pupuksa sa mga lunsod ng Juda, at ito'y magiging disyerto, tahanan ng mga asong-gubat.” Nalalaman ko po, Yahweh, na walang taong may hawak ng sarili niyang buhay; at walang nakakatiyak ng kanyang sasapitin. Ituwid mo ang iyong bayan, O Yahweh; ngunit huwag naman sana kayong maging marahas. Huwag kaming parusahan sa panahong kayo'y napopoot; na siyang magiging wakas naming lahat. Ibaling mo ang iyong poot sa mga bansang ayaw kumilala sa iyo at sa mga taong hindi tumatawag sa iyong pangalan. Pinatay nila ang mga anak ni Jacob; at winasak ang kanilang lupain.
Jeremias 10:1-25 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Mamamayan ng Israel, pakinggan nʼyo ang sinasabi ng PANGINOON. Ito ang sinasabi PANGINOON: “Huwag ninyong tutularan ang pag-uugali ng mga tao sa ibang mga bansa na naghahanap ng mga tanda sa kalawakan. Huwag kayong matakot sa mga ganyang tanda kahit na ang mga tao sa ibang bansa ay takot sa mga tandang iyan. Walang kabuluhan ang kaugalian ng mga taong iyon. Pumuputol sila ng puno sa gubat at pinapaukitan nila sa mahuhusay na mang-uukit. Pagkatapos, pinapalamutian nila ng pilak at ginto, at pinapakuan ng mabuti upang hindi matumba. Ang mga diyos-diyosang itoʼy parang taong panakot ng ibon sa bukid na hindi nakakapagsalita. Kailangan pa itong buhatin dahil hindi ito nakakalakad. Huwag kayong matakot sa mga diyos-diyosang ito dahil hindi sila makakagawa ng masama at hindi rin makakagawa ng mabuti.” O PANGINOON, kayoʼy walang katulad. Kayo ay makapangyarihan at dakila ang pangalan. Sino po ang hindi matatakot sa inyo, O Hari ng mga bansa? Karapat-dapat lang na kayo ay igalang. Sa lahat ng matatalinong hari ng mga bansa, at sa kanilang mga kaharian, walang sinuman ang katulad ninyo. Silang lahat ay mga mangmang at mga hangal. Ang katuruang mula sa mga diyos-diyosang gawa sa kahoy ay walang kabuluhan. Ang pinanday na pilak na galing sa Tarsis at ang gintong galing sa Upaz ay ginawang diyos-diyosan ng mga panday at mga platero, pagkatapos ay binihisan ng damit na asul at kulay ube; lahat ay gawa ng mga dalubhasang manggagawa. Ngunit ang PANGINOON ang tunay na Diyos. Siya ang Diyos na buháy at walang hanggang Hari. Kapag siyaʼy nagagalit, nayayanig ang daigdig, at walang bansa na makatatagal sa tindi ng kanyang galit. Sabihin ninyo sa mga sumasamba sa ibang mga diyos, “Ang inyong mga diyos na hindi lumikha ng langit at lupa ay mawawala sa mundo.” Ngunit ang Diyos ang lumikha ng lupa sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan, itoʼy kanyang itinatag sa kanyang karunungan, at kanyang inilatag ang kalangitan sa kanyang kaalaman. Sa kanyang utos ay lumalabas ang mga ulap at mga kidlat sa kalawakan, at bumubuhos ang malakas na ulan. Pinapalabas niya ang hangin mula sa pinanggagalingan nito. Lahat ng tao ay mga mangmang at walang pang-unawa. Mapapahiya ang bawat platerong gumawa ng mga diyos-diyosan niya. Kalokohan lamang ang mga ito dahil wala naman silang hininga. Wala silang kabuluhan at dapat kamuhian. Ang araw ay darating na silang lahat ay wawasakin. Ngunit ang Diyos ni Jacob ay hindi katulad ng mga iyon. Siya ang lumikha ng lahat ng bagay pati na ang Israel, ang lahi ng mga taong kanyang hinirang, PANGINOON ng mga Hukbo ang kanyang pangalan. Mga taga-Jerusalem, tipunin na ninyo ang mga kagamitan at lumisan, dahil malapit nang sakupin ang inyong lungsod. Sapagkat ito ang sinasabi ng PANGINOON, “Makinig kayo! Paaalisin ko kayo sa lupaing ito. Pahihirapan ko kayo hanggang sa madama ninyo ang aking galit.” Sinabi ng mga taga-Jerusalem, “Kahabag-habag tayo dahil sa ating kapahamakan. Malubha ang kalagayan natin, pero kailangan natin itong tiisin. Wasak na ang mga tolda natin; nalagot na ang mga tali nito. Iniwan na tayo ng mga anak natin. Wala nang natira na muling magtatayo ng mga toldang tinitirhan natin.” Nangyari ito sa atin dahil mangmang ang ating mga pinuno. Hindi sila lumapit sa PANGINOON upang sumangguni. Kaya hindi sila nagtagumpay, at kumalat ang kanilang kawan. Pakinggan ninyo ang malakas na ingay ng mga sundalo na dumarating mula sa hilaga! Wawasakin nila ang mga bayan ng Juda at magiging tirahan na lang ito ng mga asong-gubat. PANGINOON, alam ko pong ang buhay ng tao ay hindi kanya. Hindi siya ang may hawak ng kanyang kinabukasan. Ituwid po ninyo kami PANGINOON, nang nararapat sa amin. Huwag po ninyo itong gawin nang dahil sa inyong galit, baka wala nang matira sa amin. Ipadama po ninyo ang inyong galit sa mga bansang hindi kumikilala sa inyo at sa mga taong hindi dumudulog sa inyo. Sapagkat inubos po nila ang lahi ni Jacob at winasak ang kanilang mga tahanan.

Jeremias 10:1-25 Ang Biblia (TLAB)
Inyong dinggin ang salita na sinasalita ng Panginoon sa inyo, Oh sangbahayan ni Israel. Ganito ang sabi ng Panginoon, Huwag kayong matuto ng lakad ng mga bansa, at huwag kayong manganglupaypay sa mga tanda ng langit; sapagka't ang mga bansa ay nanganglulupaypay sa mga yaon. Sapagka't ang mga kaugalian ng mga bayan ay walang kabuluhan: sapagka't may pumuputol ng punong kahoy sa gubat, na siyang gawa ng mga kamay ng manggagawa sa pamamagitan ng palakol. Kanilang ginagayakan ng pilak at ng ginto; kanilang ikinakapit ng mga pako at ng mga pamukpok, upang huwag makilos. Sila'y gaya ng puno ng palma, na binilog, at hindi nagsasalita: kinakailangang pasanin, sapagka't hindi makalakad. Huwag ninyong katakutan ang mga yaon, sapagka't hindi makagagawa ng kasamaan, ni wala ring magagawang mabuti. Walang gaya mo, Oh Panginoon; ikaw ay dakila, at ang iyong pangalan ay dakila sa kapangyarihan. Sinong hindi matatakot sa iyo, Oh Hari ng mga bansa? sapagka't sa iyo nauukol; palibhasa'y sa gitna ng lahat ng pantas sa mga bansa, at sa lahat nilang kaharian, ay walang gaya mo. Kundi sila'y pawang tampalasan at hangal turo ng mga dios-diosan, yao'y kahoy lamang. May pilak na pinukpok na dinala rito mula sa Tarsis, at ginto mula sa Uphaz, na gawa ng manggagawa at ng mga kamay ng panday; azul at kulay ube ang kanilang damit; gawang lahat ng mga bihasang manggagawa. Nguni't ang Panginoon ay tunay na Dios; siya ang buhay na Dios, at walang hanggang Hari: sa kaniyang poot ay nayayanig ang lupa, at hindi matatagalan ng mga bansa ang kaniyang galit. Ganito ang inyong sasabihin sa kanila, Ang mga dios na hindi gumawa ng langit at ng lupa, ang mga ito ang mangalilipol sa lupa, at sa silong ng langit. Kaniyang ginawa ang lupa sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan, kaniyang itinatag ang sanglibutan sa pamamagitan ng kaniyang karunungan, at kaniyang iniladlad ang langit sa pamamagitan ng kaniyang pagkaunawa: Pagka siya'y naguutos, may hugong ng tubig sa langit, at kaniyang pinaiilanglang ang mga singaw mula sa mga dulo ng lupa; siya'y nagpapakidlat para sa ulan, at naglalabas ng hangin mula sa mga kinalalagyan. Bawa't tao ay naging tampalasan at walang kaalaman; bawa't panday ay nalagay sa kahihiyan sa kaniyang larawang inanyuan; sapagka't ang kaniyang larawang binubo ay kabulaanan, at hindi humihinga ang mga yaon. Sila'y walang kabuluhan, gawang karayaan: sa panahon ng pagdalaw sa mga yaon sila ay mangalilipol. Ang bahagi ng Jacob ay hindi gaya ng mga ito; sapagka't siya ang may kapal sa lahat ng mga bagay; at ang Israel ay siyang lipi na kaniyang mana ang Panginoon ng mga hukbo ay siyang kaniyang pangalan. Iyong pulutin ang iyong mga kalakal mula sa lupain, Oh ikaw na nakukubkob. Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, aking ibubulid ang mga mananahan sa lupain sa panahong ito, at aking pahihirapan sila upang sila'y makaramdam. Sa aba ko, dahil sa aking sugat! ang aking sugat ay malubha: nguni't aking sinabi, Tunay na ito ay aking hirap, at aking marapat na tiisin. Ang aking tolda ay nagiba, at lahat ng panali ko ay nangapatid; iniwan ako ng aking mga anak, at sila'y wala na: wala nang magtayo pa ng aking tolda, at magtaas ng aking mga tabing. Sapagka't ang mga pastor ay naging tampalasan, at hindi nagsisangguni sa Panginoon: kaya't hindi sila magsisiginhawa, at lahat nilang kawan ay nangalat. Ang tinig ng mga balita, narito, dumarating, at malaking kagulo mula sa lupaing hilagaan, upang gawing kagibaan ang mga bayan ng Juda, at tahanan ng mga chakal. Oh Panginoon, talastas ko na ang lakad ng tao ay hindi sa kaniyang sarili; hindi para sa taong lumalakad ang magtuwid ng kaniyang mga hakbang. Oh Panginoon, sawayin mo ako, nguni't sa pamamagitan ng kahatulan; huwag sa iyong galit, baka ako'y iuwi mo sa wala. Iyong ibuhos ang iyong kapusukan sa mga bansa na hindi nakakakilala sa iyo, at sa mga angkan na hindi nagsisitawag sa iyong pangalan; sapagka't kanilang sinakmal ang Jacob, oo, kanilang sinakmal siya, at nilipol siya, at sinira ang kaniyang tahanan.
Jeremias 10:1-25 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)

Jeremias 10:1-25 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)