Mga Hukom 6:6-16
Mga Hukom 6:6-16 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Walang magawâ ang mga Israelita, kaya humingi sila ng tulong kay Yahweh. Nang marinig ni Yahweh ang pagdaing ng mga Israelita dahil sa pagpapahirap ng mga Midianita, sila'y pinadalhan niya ng propeta at ipinasabi ang ganito: “Inilabas ko kayo sa Egipto. Iniligtas ko kayo sa kanilang pang-aalipin, at sa lahat ng inyong kaaway. Natalo ninyo sila at ibinigay sa inyo ang kanilang lupain. Sinabi ko na sa inyo na ako si Yahweh na inyong Diyos at hindi kayo dapat sumamba sa mga diyos ng mga Amoreo, sa lupaing inyong tinitirhan ngayon. Ngunit hindi kayo nakinig sa akin.” Dumating sa Ofra ang anghel ni Yahweh at naupo sa ilalim ng malaking puno na pag-aari ni Joas na buhat sa angkan ni Abiezer. Si Gideon na anak ni Joas ay kasalukuyang gumigiik noon ng trigo sa pisaan ng ubas. Patago ang kanyang paggiik upang hindi siya makita ng mga Midianita. Nagpakita sa kanya ang anghel ni Yahweh at sinabi sa kanya, “Sumasaiyo si Yahweh, magiting na lalaki.” Sumagot si Gideon, “Mawalang-galang na po. Kung talagang kasama namin si Yahweh, bakit ganito ang nangyayari sa amin? Nasaan na ngayon ang mga kababalaghang ginawa niya noon gaya ng ikinuwento sa amin ng aming mga ninuno, kung paanong sila'y iniligtas niya sa Egipto? Pinabayaan na kami ni Yahweh sa kamay ng mga Midianita.” Sinabi sa kanya ni Yahweh, “Lumakad ka at gamitin mo ang buong lakas mo upang iligtas ang Israel mula sa mga Midianita. Ako mismo ang nagsusugo sa iyo.” Sumagot si Gideon, “Ngunit Panginoon, paano ko maililigtas ang Israel? Ang aming angkan ang pinakamahina sa lipi ni Manases, at ako naman ang pinakahamak sa pamilya namin.” Sinabi sa kanya ni Yahweh, “Makakaya mo ito sapagkat tutulungan kita. Matatalo mo ang mga Midianitang ito na para ka lang lumaban sa isang tao.”
Mga Hukom 6:6-16 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Naging kahabag-habag ang kalagayan ng mga Israelita, dahil sa mga Midianita, kaya humingi sila ng tulong sa PANGINOON. Nang tumawag sila sa PANGINOON dahil sa mga taga-Midian, pinadalhan sila ng PANGINOON ng isang propeta na nagsabi sa kanila, “Ito ang sinasabi ng PANGINOON na inyong Diyos: ‘Inilabas ko kayo sa Ehipto na kung saan inalipin kayo. Iniligtas ko kayo sa mga Ehipsiyo at sa lahat ng umaapi sa inyo. Pinagtagumpay ko kayo sa kanila at ibinigay ko sa inyo ang kanilang mga lupain. Sinabi ko sa inyo, ako ang PANGINOON na inyong Diyos at hindi nʼyo dapat sambahin ang mga diyos ng mga Amoreo kung saan kayo nakatira ngayon. Ngunit hindi kayo nakinig sa akin.’ ” Pagkatapos, dumating ang anghel ng PANGINOON sa Ofra. Naupo siya sa ilalim ng puno ng terebinto na pag-aari ni Joas na mula sa angkan ni Abiezer. Si Gideon na anak ni Joas ay naggigiik noon ng trigo sa ilalim ng pisaan ng ubas para hindi makita ng mga Midianita ang trigo. Nagpakita sa kanya ang anghel ng PANGINOON at sinabi, “Ikaw, magiting na sundalo, ang PANGINOON ay sumasaiyo.” Sumagot si Gideon, “Ipagpaumanhin po ninyo, Ginoo, pero kung sumasaamin nga ang PANGINOON, bakit ganito ang nangyari sa amin? Bakit hindi na siya gumagawa ng mga kababalaghang gaya ng ikinuwento sa amin ng aming mga ninuno, kung paanong inilabas niya ang mga ito sa Ehipto? Ngunit ngayon, pinabayaan na kami ng PANGINOON at ipinaubaya sa mga Midianita.” Sinabi ng PANGINOON kay Gideon, “Humayo ka at gamitin ang buong lakas mo sa pagliligtas sa Israel mula sa mga Midianita. Ako ang nagsusugo sa iyo.” Sumagot si Gideon, “Ngunit paano ko po maililigtas ang Israel? Ang pamilya po namin ang pinakamahina sa lahi ni Manases at ako naman po ang pinakaaba sa pamilya namin.” Sumagot ang PANGINOON, “Tutulungan kita at lilipulin mo ang mga Midianita na parang nakikipaglaban ka lamang sa isang tao.”
Mga Hukom 6:6-16 Ang Biblia (TLAB)
At ang Israel ay huminang totoo dahil sa Madian; at ang mga anak ni Israel ay dumaing sa Panginoon. At nangyari, nang dumaing sa Panginoon ang mga anak ni Israel, dahil sa Madian. Ay nagsugo ang Panginoon ng isang propeta sa mga anak ni Israel: at kaniyang sinabi sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoon ng Dios ng Israel, Kayo'y aking iniahon mula sa Egipto, at inilabas ko kayo sa bahay ng pagkaalipin; At pinapaging laya ko kayo sa kamay ng mga taga Egipto, at sa kamay ng mga pumipighati sa inyo, at aking pinalayas sila sa harap ninyo, at ibinigay ko sa inyo ang kanilang lupain; At aking sinabi sa inyo, Ako ang Panginoon ninyong Dios; kayo'y huwag matatakot sa mga dios ng mga Amorrheo, na siyang lupaing inyong tinatahanan: nguni't hindi ninyo dininig ang aking tinig. At ang anghel ng Panginoon ay naparoon at umupo sa ilalim ng encina na nasa Ophra, na kay Joas na Abiezerita: at ang kaniyang anak na si Gedeon ay pumapalo ng trigo sa ubasan, upang itago sa mga Madianita. At napakita ang anghel ng Panginoon sa kaniya, at sinabi sa kaniya, Ang Panginoo'y sumasaiyo, ikaw lalaking makapangyarihang may tapang. At sinabi ni Gedeon sa kaniya, Oh Panginoon ko, kung ang Panginoon ay sumasaamin, bakit nga ang lahat ng ito ay sumapit sa amin? at saan naroon ang lahat niyang kababalaghang gawa na isinaysay sa amin ng aming mga magulang, na sinasabi, Hindi ba tayo iniahon ng Panginoon mula sa Egipto? nguni't ngayo'y hiniwalayan kami ng Panginoon at ibinigay kami sa kamay ng Madian. At tiningnan siya ng Panginoon, at sinabi, Yumaon ka sa kalakasan mong ito, at iligtas mo ang Israel sa kamay ng Madian: hindi ba kita sinugo? At sinabi niya sa kaniya, Oh Panginoon, paanong ililigtas ko ang Israel? narito, ang aking angkan ay siyang pinakadukha sa Manases, at ako ang pinakamaliit sa bahay sangbahayan ng aking ama. At sinabi ng Panginoon sa kaniya, Walang pagsalang ako'y sasaiyo; at iyong sasaktan ang mga Madianita na parang isang lalake.
Mga Hukom 6:6-16 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Walang magawâ ang mga Israelita, kaya humingi sila ng tulong kay Yahweh. Nang marinig ni Yahweh ang pagdaing ng mga Israelita dahil sa pagpapahirap ng mga Midianita, sila'y pinadalhan niya ng propeta at ipinasabi ang ganito: “Inilabas ko kayo sa Egipto. Iniligtas ko kayo sa kanilang pang-aalipin, at sa lahat ng inyong kaaway. Natalo ninyo sila at ibinigay sa inyo ang kanilang lupain. Sinabi ko na sa inyo na ako si Yahweh na inyong Diyos at hindi kayo dapat sumamba sa mga diyos ng mga Amoreo, sa lupaing inyong tinitirhan ngayon. Ngunit hindi kayo nakinig sa akin.” Dumating sa Ofra ang anghel ni Yahweh at naupo sa ilalim ng malaking puno na pag-aari ni Joas na buhat sa angkan ni Abiezer. Si Gideon na anak ni Joas ay kasalukuyang gumigiik noon ng trigo sa pisaan ng ubas. Patago ang kanyang paggiik upang hindi siya makita ng mga Midianita. Nagpakita sa kanya ang anghel ni Yahweh at sinabi sa kanya, “Sumasaiyo si Yahweh, magiting na lalaki.” Sumagot si Gideon, “Mawalang-galang na po. Kung talagang kasama namin si Yahweh, bakit ganito ang nangyayari sa amin? Nasaan na ngayon ang mga kababalaghang ginawa niya noon gaya ng ikinuwento sa amin ng aming mga ninuno, kung paanong sila'y iniligtas niya sa Egipto? Pinabayaan na kami ni Yahweh sa kamay ng mga Midianita.” Sinabi sa kanya ni Yahweh, “Lumakad ka at gamitin mo ang buong lakas mo upang iligtas ang Israel mula sa mga Midianita. Ako mismo ang nagsusugo sa iyo.” Sumagot si Gideon, “Ngunit Panginoon, paano ko maililigtas ang Israel? Ang aming angkan ang pinakamahina sa lipi ni Manases, at ako naman ang pinakahamak sa pamilya namin.” Sinabi sa kanya ni Yahweh, “Makakaya mo ito sapagkat tutulungan kita. Matatalo mo ang mga Midianitang ito na para ka lang lumaban sa isang tao.”
Mga Hukom 6:6-16 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)