Mga Hukom 4:1-2
Mga Hukom 4:1-2 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Nang mamatay si Ehud, ang bayang Israel ay muling gumawa ng kasamaan laban kay Yahweh. Kaya, hinayaan ni Yahweh na masakop sila ni Jabin, isang Cananeo na hari ng Hazor. Si Sisera na taga-Haroset Hagoyim ang pinuno ng kanyang hukbo.
Mga Hukom 4:1-2 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Pagkamatay ni Ehud, muling gumawa ng kasamaan ang mga Israelita sa paningin ng PANGINOON. Dahil dito, hinayaan ng PANGINOON na sakupin sila ni Haring Jabin ng Hazor, na isang hari ng mga Cananeo. Ang kumander ng mga sundalo ni Jabin ay si Sisera na nakatira sa Haroset-hagoyim.
Mga Hukom 4:1-2 Ang Biblia (TLAB)
At ginawa uli ng mga anak ni Israel ang masama sa paningin ng Panginoon, nang mamatay si Aod. At ipinagbili sila ng Panginoon sa kamay ni Jabin na hari sa Canaan, na naghahari sa Asor; na ang puno sa hukbong yaon ay si Sisara, na siyang tumatahan sa Haroseth ng mga bansa.
Mga Hukom 4:1-2 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Nang mamatay si Ehud, ang bayang Israel ay muling gumawa ng kasamaan laban kay Yahweh. Kaya, hinayaan ni Yahweh na masakop sila ni Jabin, isang Cananeo na hari ng Hazor. Si Sisera na taga-Haroset Hagoyim ang pinuno ng kanyang hukbo.
Mga Hukom 4:1-2 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)