Mga Hukom 2:6-13
Mga Hukom 2:6-13 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Pinalakad na ni Josue ang mga Israelita at kanila ngang tinirhan ang mga lupaing nakatalaga para sa kanila. Si Josue ay namatay sa edad na 110 taon at inilibing siya sa Timnat-heres, isang lugar na sakop ng kanyang lupain sa kaburulan ng Efraim, sa gawing hilaga ng Bundok Gaas. Namatay rin ang buong salinlahing kasabayan ni Josue. Naglingkod nang tapat kay Yahweh ang mga Israelita habang nabubuhay si Josue at ang mga pinunong nakasaksi sa mga kahanga-hangang bagay na ginawa ni Yahweh para sa Israel. Subalit ang sumunod na salinlahi ay nakalimot kay Yahweh at sa lahat ng ginawa niya para sa Israel. Ang mga Israelita ay gumawa ng kasamaan laban kay Yahweh at sumamba sila sa mga Baal. Tinalikuran nila si Yahweh, ang Diyos ng kanilang mga ninuno, na nagligtas sa kanila sa Egipto. Naglingkod sila at sumamba sa mga diyus-diyosan ng mga bayan sa kanilang paligid. Kaya nagalit sa kanila si Yahweh. Itinakwil nila si Yahweh at naglingkod sa mga Baal at kay Astarot.
Mga Hukom 2:6-13 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Nang pinauwi na ni Josue ang mga Israelita, umalis ang bawat lahi upang angkinin ang lupaing nakalaan para sa kanila. At naglingkod sila sa PANGINOON habang nabubuhay si Josue. At kahit namatay na siya, patuloy pa rin silang naglingkod sa PANGINOON habang nabubuhay ang mga tagapamahala ng Israel na nakakita ng lahat ng kahanga-hangang ginawa ng PANGINOON para sa Israel. Ang lingkod ng PANGINOON na si Josue na anak ni Nun ay namatay sa edad na 110. Inilibing siya sa kanyang minanang lupain doon sa Timnat-heres, sa kaburulan ng Efraim, sa hilaga ng Bundok ng Gaas. PANGINOON Nang mamatay na ang mga tao sa henerasyong iyon, ang sumunod na salinlahi ay nakalimot sa PANGINOON, maging sa mga ginawa niya para sa Israel. At gumawa ng kasamaan ang mga Israelita sa paningin ng PANGINOON at naglingkod sa mga imahen ni Baal. Itinakwil nila ang PANGINOON, ang Diyos ng kanilang mga ninuno, na siyang naglabas sa kanila sa Ehipto. Sinunod nila at sinamba ang ibaʼt ibang diyos ng mga tao sa paligid nila. Nagalit ang PANGINOON, dahil itinakwil siya ng mga ito at naglingkod sila kay Baal at sa mga imahen ni Astoret.
Mga Hukom 2:6-13 Ang Biblia (TLAB)
Nang mapayaon nga ni Josue ang bayan, pumaroon ang mga anak ni Israel, bawa't isa, sa kaniyang mana, upang ariin ang lupa. At naglingkod ang bayan sa Panginoon sa lahat ng mga araw ni Josue, at sa lahat ng mga araw ng mga matandang natirang nabuhay kay Josue, na nakakita ng mga dakilang gawa ng Panginoon, na kaniyang ginawa sa Israel. At si Josue na anak ni Nun, na lingkod ng Panginoon, ay namatay, na may isang daan at sangpung taon ang gulang. At kanilang inilibing siya sa hangganan ng kaniyang mana, sa Timnath-heres, sa lupaing maburol ng Ephraim, sa hilagaan ng bundok Gaas. At ang buong lahing yaon ay nalakip din sa kanilang mga magulang; at doo'y may ibang lahing bumangon pagkamatay nila, na hindi nakilala ang Panginoon, ni ang mga gawa na kaniyang ginawa sa Israel. At ginawa ng mga anak ni Israel ang masama sa paningin ng Panginoon, at naglingkod sa mga Baal: At kanilang pinabayaan ang Panginoon, ang Dios ng kanilang mga magulang, na naglabas sa kanila sa lupain ng Egipto, at sumunod sa ibang mga dios, sa mga dios ng mga bayan na nasa palibot nila, at sila'y yumukod sa mga yaon: at kanilang minungkahi ang Panginoon sa galit. At kanilang pinabayaan ang Panginoon, at naglingkod kay Baal at kay Astaroth.
Mga Hukom 2:6-13 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Pinalakad na ni Josue ang mga Israelita at kanila ngang tinirhan ang mga lupaing nakatalaga para sa kanila. Si Josue ay namatay sa edad na 110 taon at inilibing siya sa Timnat-heres, isang lugar na sakop ng kanyang lupain sa kaburulan ng Efraim, sa gawing hilaga ng Bundok Gaas. Namatay rin ang buong salinlahing kasabayan ni Josue. Naglingkod nang tapat kay Yahweh ang mga Israelita habang nabubuhay si Josue at ang mga pinunong nakasaksi sa mga kahanga-hangang bagay na ginawa ni Yahweh para sa Israel. Subalit ang sumunod na salinlahi ay nakalimot kay Yahweh at sa lahat ng ginawa niya para sa Israel. Ang mga Israelita ay gumawa ng kasamaan laban kay Yahweh at sumamba sila sa mga Baal. Tinalikuran nila si Yahweh, ang Diyos ng kanilang mga ninuno, na nagligtas sa kanila sa Egipto. Naglingkod sila at sumamba sa mga diyus-diyosan ng mga bayan sa kanilang paligid. Kaya nagalit sa kanila si Yahweh. Itinakwil nila si Yahweh at naglingkod sa mga Baal at kay Astarot.
Mga Hukom 2:6-13 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)