Mga Hukom 2:10-15
Mga Hukom 2:10-15 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Nang mamatay na ang mga tao sa henerasyong iyon, ang sumunod na salinlahi ay nakalimot sa PANGINOON, maging sa mga ginawa niya para sa Israel. At gumawa ng kasamaan ang mga Israelita sa paningin ng PANGINOON at naglingkod sa mga imahen ni Baal. Itinakwil nila ang PANGINOON, ang Diyos ng kanilang mga ninuno, na siyang naglabas sa kanila sa Ehipto. Sinunod nila at sinamba ang ibaʼt ibang diyos ng mga tao sa paligid nila. Nagalit ang PANGINOON, dahil itinakwil siya ng mga ito at naglingkod sila kay Baal at sa mga imahen ni Astoret. Dahil sa galit ng PANGINOON sa Israel, pinabayaan niyang lusubin sila ng mga tulisan upang samsamin ang kanilang mga ari-arian. Pinabayaan din sila ng PANGINOON na matalo ng mga kaaway sa paligid nila hanggang hindi na nila makayanang ipagtanggol ang kanilang sarili. Tuwing nakikipaglaban sila, pinapatalo sila ng PANGINOON, tulad ng sinabi niya. Kaya labis silang nahirapan.
Mga Hukom 2:6-15 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Pinalakad na ni Josue ang mga Israelita at kanila ngang tinirhan ang mga lupaing nakatalaga para sa kanila. Si Josue ay namatay sa edad na 110 taon at inilibing siya sa Timnat-heres, isang lugar na sakop ng kanyang lupain sa kaburulan ng Efraim, sa gawing hilaga ng Bundok Gaas. Namatay rin ang buong salinlahing kasabayan ni Josue. Naglingkod nang tapat kay Yahweh ang mga Israelita habang nabubuhay si Josue at ang mga pinunong nakasaksi sa mga kahanga-hangang bagay na ginawa ni Yahweh para sa Israel. Subalit ang sumunod na salinlahi ay nakalimot kay Yahweh at sa lahat ng ginawa niya para sa Israel. Ang mga Israelita ay gumawa ng kasamaan laban kay Yahweh at sumamba sila sa mga Baal. Tinalikuran nila si Yahweh, ang Diyos ng kanilang mga ninuno, na nagligtas sa kanila sa Egipto. Naglingkod sila at sumamba sa mga diyus-diyosan ng mga bayan sa kanilang paligid. Kaya nagalit sa kanila si Yahweh. Itinakwil nila si Yahweh at naglingkod sa mga Baal at kay Astarot. Dahil dito, nagalit si Yahweh sa Israel at sila'y hinayaan niyang matalo ng kaaway at samsaman ng ari-arian. Tuwing makikipagdigma sila, hindi na sila tinutulungan ni Yahweh tulad ng kanyang babala. Kaya't wala silang kapanatagan.

Mga Hukom 2:10-15 Ang Biblia (TLAB)
At ang buong lahing yaon ay nalakip din sa kanilang mga magulang; at doo'y may ibang lahing bumangon pagkamatay nila, na hindi nakilala ang Panginoon, ni ang mga gawa na kaniyang ginawa sa Israel. At ginawa ng mga anak ni Israel ang masama sa paningin ng Panginoon, at naglingkod sa mga Baal: At kanilang pinabayaan ang Panginoon, ang Dios ng kanilang mga magulang, na naglabas sa kanila sa lupain ng Egipto, at sumunod sa ibang mga dios, sa mga dios ng mga bayan na nasa palibot nila, at sila'y yumukod sa mga yaon: at kanilang minungkahi ang Panginoon sa galit. At kanilang pinabayaan ang Panginoon, at naglingkod kay Baal at kay Astaroth. At ang galit ng Panginoon ay nagalab laban sa Israel, at kaniyang ibinigay sila sa kamay ng mga mangloloob na lumoob sa kanila; at kaniyang ipinagbili sila sa mga kamay ng kanilang mga kaaway sa palibot, na anopa't sila'y hindi makatayong maluwat sa harap ng kanilang mga kaaway. Saan man sila yumaon, ang kamay ng Panginoon ay laban sa kanila sa ikasasama nila, gaya ng sinalita ng Panginoon, at gaya ng isinumpa sa kanila ng Panginoon: sila'y nagipit na mainam.
Mga Hukom 2:6-15 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)

Mga Hukom 2:10-15 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)