Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Hukom 16:12 - Compare All Versions

Mga Hukom 16:12 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))

Kumuha si Delilah ng bagong lubid at ginapos si Samson. Pagkatapos ay sumigaw siya, “Samson, may dumarating na mga Filisteo!” Samantala, may mga lalaking nag-aabang sa kabilang silid. Ngunit ang gapos ni Samson ay nilagot niya na para lamang sinulid.

Mga Hukom 16:12 ASD (Ang Salita ng Diyos)

Kaya kumuha si Delaila ng bagong lubid na hindi pa nagagamit at iginapos niya si Samson. May ilang mga Filisteo na nakatago noon sa kabilang kuwarto. Pagkatapos, sumigaw si Delaila, “Samson, nandito na ang mga Filisteo!” Ngunit nilagot ni Samson ang tali sa kanyang braso na parang sinulid lang.

Mga Hukom 16:12 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))

Kumuha si Delilah ng bagong lubid at ginapos si Samson. Pagkatapos ay sumigaw siya, “Samson, may dumarating na mga Filisteo!” Samantala, may mga lalaking nag-aabang sa kabilang silid. Ngunit ang gapos ni Samson ay nilagot niya na para lamang sinulid.

Mga Hukom 16:12 TLAB (Ang Biblia)

Sa gayo'y kumuha si Dalila ng mga bagong lubid, at itinali sa kaniya, at sinabi sa kaniya, Narito na sa iyo ang mga Filisteo, Samson. At ang mga bakay ay nangasa silid sa loob. At pawang pinatid niya sa kaniyang mga bisig na parang sinulid.

Mga Hukom 16:12 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))