Mga Hukom 12:5-6
Mga Hukom 12:5-6 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Binantayan nila ang mga lugar ng Ilog Jordan na maaaring tawiran ng tao upang hindi makatawid ang mga taga-Efraim. Ang sinumang nais tumawid ay tinatanong nila kung taga-Efraim. Kapag sumagot ng, “Hindi,” ipinapasabi nila ang salitang, “Shibolet.” Kung hindi ito mabigkas nang tama at sa halip ay sinasabing, “Sibolet,” papatayin nila ito sa may tawiran ng Ilog Jordan. At nang panahong iyon, umabot sa 42,000 taga-Efraim ang kanilang napatay.
Mga Hukom 12:5-6 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Sinakop ng mga taga-Gilead ang mga lugar sa Ilog Jordan na tinatawiran papunta sa Efraim. Kapag may tumatawid dito, tinatanong nila kung taga-Efraim ba siya o hindi. Kung sasagot ito ng “Hindi,” pinabibigkas nila ang salitang “Shibolet”. Kung hindi niya ito mabigkas nang tama at ang pagkakabigkas nito ay “Sibolet”, huhulihin nila siya at papatayin sa may tawiran ng Ilog Jordan. May 42,000 taga-Efraim ang namatay nang panahong iyon.
Mga Hukom 12:5-6 Ang Biblia (TLAB)
At sinakop ng mga Galaadita ang mga tawiran sa Jordan sa dako ng mga Ephraimita. At nangyari, na pagkasinabi ng mga tanan sa Ephraim na, Paraanin mo ako, ay sinasabi ng mga lalake ng Galaad sa kaniya, Ikaw ba'y Ephraimita? Kung kaniyang sabihin, Hindi; Ay sinabi nga nila sa kaniya, Sabihin mong Shiboleth; at sinasabi niya, Shiboleth; sapagka't hindi matumpakang sabihing matuwid; kung magkagayo'y kanilang hinuhuli, at pinapatay sa mga tawiran ng Jordan: at nahulog nang panahong yaon sa Ephraim ay apat na pu't dalawang libo.
Mga Hukom 12:5-6 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Binantayan nila ang mga lugar ng Ilog Jordan na maaaring tawiran ng tao upang hindi makatawid ang mga taga-Efraim. Ang sinumang nais tumawid ay tinatanong nila kung taga-Efraim. Kapag sumagot ng, “Hindi,” ipinapasabi nila ang salitang, “Shibolet.” Kung hindi ito mabigkas nang tama at sa halip ay sinasabing, “Sibolet,” papatayin nila ito sa may tawiran ng Ilog Jordan. At nang panahong iyon, umabot sa 42,000 taga-Efraim ang kanilang napatay.
Mga Hukom 12:5-6 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)