Mga Hukom 11:29
Mga Hukom 11:29 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang Espiritu ni Yahweh ay lumukob kay Jefta. Tinipon niya ang mga tao sa Gilead at Manases, pagkatapos ay nagbalik sa Mizpa, Gilead at saka nagtuloy upang salakayin ang mga Ammonita.
Mga Hukom 11:29 Ang Salita ng Dios (ASND)
At pinagharian si Jefta ng Espiritu ng PANGINOON. Pumunta siya sa Gilead at sa Manase para tipunin ang mga sundalo. Pagkatapos, bumalik siya sa Mizpa na sakop ng Gilead. At mula roon, nilusob niya ang mga Ammonita.
Mga Hukom 11:29 Ang Biblia (TLAB)
Nang magkagayo'y ang Espiritu ng Panginoon ay suma kay Jephte, at siya'y nagdaan ng Galaad at Manases, at nagdaan sa Mizpa ng Galaad, at mula sa Mizpa ng Galaad ay nagdaan siya sa mga anak ni Ammon.