Santiago 3:9-12
Santiago 3:9-12 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ito ang ginagamit natin sa pagpupuri sa ating Panginoon at Ama, at ito rin ang ginagamit natin sa paglait sa taong nilalang na kalarawan ng Diyos. Sa iisang bibig nanggagaling ang pagpupuri't panlalait. Hindi ito dapat mangyari, mga kapatid. Hindi lumalabas sa iisang bukal ang tubig-tabang at tubig-alat. Mga kapatid, hinding-hindi makakapamunga ng olibo ang puno ng igos, o ng igos ang puno ng ubas, at lalong hindi rin bumubukal ang tubig-tabang sa bukal ng tubig-alat.
Santiago 3:9-12 Ang Salita ng Dios (ASND)
Sa pamamagitan ng dila, pinupuri natin ang ating Panginoon at Ama, pero sa pamamagitan din nito ay isinusumpa natin ang ating kapwa na nilikhang kalarawan ng Dios. Mula sa iisang bibig nanggagaling ang pagpupuri at pagsumpa. Mga kapatid, hindi dapat ganyan. Maaari bang lumabas sa iisang bukal ang matabang na tubig at ang maalat na tubig? Hindi! Mga kapatid, hindi rin maaaring mamunga ng olibo ang puno ng igos o ng igos ang ubas. Hindi rin maaaring makakuha ng tubig-tabang sa tubig-alat.
Santiago 3:9-12 Ang Biblia (TLAB)
Siyang ating ipinagpupuri sa Panginoon at Ama; at siyang ating ipinanglalait sa mga taong ginawang ayon sa larawan ng Dios: Sa bibig din lumalabas ang pagpuri't paglait. Mga kapatid ko, ang mga bagay na ito ay hindi nararapat magkagayon. Ang bukal baga'y sa isa lamang siwang ay binubukalan ng matamis at mapait? Maaari baga, mga kapatid ko, na ang puno ng igos ay magbunga ng aseitunas, o ng mga igos ang puno ng ubas? hindi rin naman babalungan ng matamis ang maalat na tubig.
Santiago 3:9-12 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ito ang ginagamit natin sa pagpupuri sa ating Panginoon at Ama, at ito rin ang ginagamit natin sa paglait sa taong nilalang na kalarawan ng Diyos. Sa iisang bibig nanggagaling ang pagpupuri't panlalait. Hindi ito dapat mangyari, mga kapatid. Hindi lumalabas sa iisang bukal ang tubig-tabang at tubig-alat. Mga kapatid, hinding-hindi makakapamunga ng olibo ang puno ng igos, o ng igos ang puno ng ubas, at lalong hindi rin bumubukal ang tubig-tabang sa bukal ng tubig-alat.
Santiago 3:9-12 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)