Santiago 2:14-16
Santiago 2:14-16 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Mga kapatid, ano ang mapapala ng isang tao kung sabihin man niyang siya'y may pananampalataya, ngunit hindi naman niya ito pinapatunayan sa gawa? Maililigtas ba siya ng ganoong uri ng pananampalataya? Halimbawa, may isang kapatid na walang maisuot at walang makain. Kung sasabihin ninyo sa kanya, “Patnubayan ka nawa ng Diyos; magbihis ka't magpakabusog,” ngunit hindi naman ninyo siya binibigyan ng kanyang kailangan, may mabuti bang naidudulot sa kanya iyon?
Santiago 2:14-16 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Mga kapatid, ano ba ang mapapala ng isang tao kung sabihin niyang mayroon siyang pananampalataya, ngunit wala naman siyang mabubuting gawa? Maliligtas ba siya ng ganyang pananampalataya? Halimbawa, walang maisuot at walang makain ang isang kapatid, at sasabihan mo, “Pagpalain ka ng Diyos at hindi ka sana ginawin at gutumin,” ngunit hindi mo naman siya binigyan ng kailangan niya, may nagawa ba itong mabuti?
Santiago 2:14-16 Ang Biblia (TLAB)
Anong pakikinabangin, mga kapatid ko, kung sinasabi ng sinoman na siya'y may pananampalataya, nguni't walang mga gawa? makapagliligtas baga sa kaniya ang pananampalatayang iyan? Kung ang isang kapatid na lalake o babae ay hubad at walang kakanin araw-araw, At ang isa sa inyo ay magsabi sa kanila, Magsiyaon kayong payapa, kayo'y mangagpainit at mangagpakabusog; at gayon ma'y hindi ninyo ibinibigay sa kanila ang mga bagay na kinakailangan ng katawan; anong mapapakinabang dito?
Santiago 2:14-16 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Mga kapatid, ano ang mapapala ng isang tao kung sabihin man niyang siya'y may pananampalataya, ngunit hindi naman niya ito pinapatunayan sa gawa? Maililigtas ba siya ng ganoong uri ng pananampalataya? Halimbawa, may isang kapatid na walang maisuot at walang makain. Kung sasabihin ninyo sa kanya, “Patnubayan ka nawa ng Diyos; magbihis ka't magpakabusog,” ngunit hindi naman ninyo siya binibigyan ng kanyang kailangan, may mabuti bang naidudulot sa kanya iyon?
Santiago 2:14-16 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)