Santiago 2:10-11
Santiago 2:10-11 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang lumalabag sa isa, kahit tumupad sa iba pang mga utos ay lumalabag pa rin sa buong Kautusan, sapagkat ang Diyos na nagsabing, “Huwag kang mangangalunya,” ay siya ring nagsabing, “Huwag kang papatay.” Kung hindi ka man nangangalunya, ngunit pumapatay ka naman, nilalabag mo na rin ang Kautusan.
Santiago 2:10-11 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Ang tumutupad sa buong Kautusan ngunit lumalabag ng isa sa mga ito ay lumabag na rin sa buong Kautusan. Sapagkat ang Diyos na nag-utos, “Huwag kang mangangalunya,” ay nagsabi ring, “Huwag kang papatay.” Hindi ka nga nangangalunya, ngunit pumapatay ka naman, nilalabag mo pa rin ang Kautusan.
Santiago 2:10-11 Ang Biblia (TLAB)
Sapagka't ang sinomang gumaganap ng buong kautusan, at gayon ma'y natitisod sa isa, ay nagiging makasalanan sa lahat. Sapagka't ang nagsabi, Huwag kang mangalunya, ay nagsabi, naman, Huwag kang pumatay. Ngayon, kung ikaw ay hindi nangangalunya, nguni't pumapatay ka, ay nagiging suwail ka sa kautusan.
Santiago 2:10-11 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ang lumalabag sa isa, kahit tumupad sa iba pang mga utos ay lumalabag pa rin sa buong Kautusan, sapagkat ang Diyos na nagsabing, “Huwag kang mangangalunya,” ay siya ring nagsabing, “Huwag kang papatay.” Kung hindi ka man nangangalunya, ngunit pumapatay ka naman, nilalabag mo na rin ang Kautusan.
Santiago 2:10-11 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)