Santiago 1:2-5
Santiago 1:2-5 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Mga kapatid, magalak kayo kapag kayo'y dumaranas ng iba't ibang uri ng pagsubok. Dapat ninyong malaman na napatatatag ang ating pananampalataya sa pamamagitan ng mga pagsubok. At dapat kayong magpakatatag hanggang wakas upang kayo'y maging ganap at walang pagkukulang. Ngunit kung ang sinuman sa inyo ay kulang sa karunungan, humingi siya sa Diyos at siya'y bibigyan, sapagkat ang Diyos ay nagbibigay ng sagana at di nanunumbat.
Santiago 1:2-5 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Mga kapatid, magalak kayo sa tuwing dumaranas kayo ng ibaʼt ibang uri ng pagsubok, sapagkat alam ninyong ang pagsubok ng inyong pananampalataya ay nagdudulot ng katatagan. Kaya dapat kayong magpakatatag hanggang wakas upang maging ganap at walang anumang pagkukulang ang buhay ninyo. Kung mayroon mang nagkukulang sa inyo ng karunungan, humingi siya sa Diyos at ibibigay ito sa kanya nang walang pagmamaramot at panunumbat.
Santiago 1:2-5 Ang Biblia (TLAB)
Mga kapatid ko, ariin ninyong buong kagalakan, kung kayo'y mangahulog sa sarisaring tukso; Yamang nalalaman na ang pagsubok sa inyong pananampalataya ay gumagawa ng pagtitiis. At inyong pabayaan na ang pagtitiis ay magkaroon ng sakdal na gawa, upang kayo'y maging sakdal at ganap, na walang anoman kakulangan. Nguni't kung nagkukulang ng karunungan ang sinoman sa inyo, ay humingi sa Dios, na nagbibigay ng sagana sa lahat at hindi nanunumbat; at ito'y ibibigay sa kaniya.
Santiago 1:2-5 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Mga kapatid, magalak kayo kapag kayo'y dumaranas ng iba't ibang uri ng pagsubok. Dapat ninyong malaman na napatatatag ang ating pananampalataya sa pamamagitan ng mga pagsubok. At dapat kayong magpakatatag hanggang wakas upang kayo'y maging ganap at walang pagkukulang. Ngunit kung ang sinuman sa inyo ay kulang sa karunungan, humingi siya sa Diyos at siya'y bibigyan, sapagkat ang Diyos ay nagbibigay ng sagana at di nanunumbat.
Santiago 1:2-5 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)