Santiago 1:11
Santiago 1:11 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang damo ay nalalanta sa matinding sikat ng araw, nalalagas ang kanyang mga bulaklak at kumukupas ang kanyang kagandahan. Gayundin naman, ang mayaman ay mamamatay sa gitna ng kanyang mga kaabalahan.
Santiago 1:11 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Natutuyo ang mga damo sa matinding sikat ng araw, nalalagas ang mga bulaklak nito, at kumukupas ang ganda. Gayundin naman, ang mayaman ay mamamatay sa kasagsagan ng kanyang pagpapayaman.
Santiago 1:11 Ang Biblia (TLAB)
Sapagka't sumisikat ang araw na may hanging nakakasunog, at naluluoy ang damo; at nangalalagas ang bulaklak nito, at nawawala ang karikitan ng kaniyang anyo: gayon din naman ang taong mayaman na malalanta sa lahat ng kaniyang mga paglakad.
Santiago 1:11 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ang damo ay nalalanta sa matinding sikat ng araw, nalalagas ang kanyang mga bulaklak at kumukupas ang kanyang kagandahan. Gayundin naman, ang mayaman ay mamamatay sa gitna ng kanyang mga kaabalahan.
Santiago 1:11 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)