Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Isaias 7:14-16 - Compare All Versions

Isaias 7:14-16 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))

Dahil dito si Yahweh mismo ang magbibigay sa inyo ng palatandaan: Maglilihi ang isang dalaga at magsisilang ng isang sanggol na lalaki at tatawagin sa pangalang Emmanuel. Gatas at pulot ang kanyang kakainin kapag marunong na siyang umiwas sa masama at gumawa ng mabuti. Sapagkat bago matuto ang bata na umiwas sa masama at gumawa ng mabuti, ang lupain ng dalawang haring kinatatakutan mo ay wawasakin.

Isaias 7:14-16 ASD (Ang Salita ng Diyos)

Dahil dito, ang Panginoon na mismo ang magbibigay sa inyo ng palatandaan: Magbubuntis ang isang birhen, at manganganak siya ng isang sanggol na lalaki. At tatawagin niya ang bata na Immanuel. Keso at pulot ang kanyang kakainin kapag natuto na siyang tanggihan ang mali at piliin ang mabuti. Sapagkat bago pa matuto ang batang tanggihan ang mali at piliin ang mabuti, ang lupain ng dalawang haring kinakatakutan mo ay maiiwang nakatiwangwang.

Isaias 7:14-16 TLAB (Ang Biblia)

Kaya't ang Panginoon nga ay magbibigay sa inyo ng tanda; narito, isang dalaga ay maglilihi, at manganganak ng isang lalake, at tatawagin ang kaniyang pangalan na Emmanuel. Siya'y kakain ng mantekilla at pulot, pagka siya'y natutong tumanggi sa kasamaan, at pumili ng mabuti. Sapagka't bago maalaman ng bata na tumanggi sa kasamaan, at pumili ng mabuti, pababayaan ang lupain ng dalawang haring iyong kinayayamutan.

Isaias 7:14-16 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))

Dahil dito si Yahweh mismo ang magbibigay sa inyo ng palatandaan: Maglilihi ang isang dalaga at magsisilang ng isang sanggol na lalaki at tatawagin sa pangalang Emmanuel. Gatas at pulot ang kanyang kakainin kapag marunong na siyang umiwas sa masama at gumawa ng mabuti. Sapagkat bago matuto ang bata na umiwas sa masama at gumawa ng mabuti, ang lupain ng dalawang haring kinatatakutan mo ay wawasakin.

Isaias 7:14-16 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))