Isaias 7:13-14
Isaias 7:13-14 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
At sinabi ni Isaias: “Makinig kayo, sambahayan ni David! Hindi pa ba sapat na subukin ninyo ang pagtitiis ng mga tao, at pati ang pagtitiis ng aking Diyos ay inyong sinusubok? Dahil dito si Yahweh mismo ang magbibigay sa inyo ng palatandaan: Maglilihi ang isang dalaga at magsisilang ng isang sanggol na lalaki at tatawagin sa pangalang Emmanuel.
Isaias 7:13-14 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Sinabi ni Isaias, “Makinig kayong mga angkan ni David. Hindi pa ba kayo nasisiyahan sa pang-iinis nʼyo sa mga tao? At ngayon, ang Diyos ko naman ang iniinis ninyo? Dahil dito, ang Panginoon na mismo ang magbibigay sa inyo ng palatandaan: Magbubuntis ang isang birhen, at manganganak siya ng isang sanggol na lalaki. At tatawagin niya ang bata na Immanuel.
Isaias 7:13-14 Ang Biblia (TLAB)
At kaniyang sinabi, Dinggin ninyo ngayon, Oh sangbahayan ni David; maliit na bagay ba sa inyo ang mamagod sa mga tao na inyong papagurin rin ang aking Dios? Kaya't ang Panginoon nga ay magbibigay sa inyo ng tanda; narito, isang dalaga ay maglilihi, at manganganak ng isang lalake, at tatawagin ang kaniyang pangalan na Emmanuel.
Isaias 7:13-14 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
At sinabi ni Isaias: “Makinig kayo, sambahayan ni David! Hindi pa ba sapat na subukin ninyo ang pagtitiis ng mga tao, at pati ang pagtitiis ng aking Diyos ay inyong sinusubok? Dahil dito si Yahweh mismo ang magbibigay sa inyo ng palatandaan: Maglilihi ang isang dalaga at magsisilang ng isang sanggol na lalaki at tatawagin sa pangalang Emmanuel.
Isaias 7:13-14 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)