Isaias 66:7-11
Isaias 66:7-11 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
“Ang aking banal na lunsod ay parang babaing biglang nanganak; kahit hindi pa sumasakit ang kanyang tiyan, isang lalaki ang kanyang inianak. May nabalitaan na ba kayo o nakitang ganyan? Isang bansang biglang isinilang? Ang Zion ay hindi maghihirap nang matagal upang ang isang bansa ay kanyang isilang.” Ang sabi ni Yahweh: “Huwag ninyong isipin na ang bayan ko'y hahayaang umabot sa panahong dapat nang iluwal, at pagkatapos ay pipigilin sa pagsilang.” Makigalak kayo sa Jerusalem, magalak kayo dahil sa kanya; kayong lahat na nagmamahal sa lunsod na ito! Kayo'y makigalak at makipagsaya, lahat kayong tumangis para sa kanya. Tatamasahin ninyo ang kasaganaan niya, tulad ng sanggol sa dibdib ng kanyang ina.
Isaias 66:7-11 Ang Salita ng Diyos (ASD)
“Ang Jerusalem ay maitutulad sa isang babaeng manganganak; hindi pa sumasakit ang kanyang tiyan ay nagsilang na ng sanggol. Sino ang nakarinig at nakakita ng katulad nito? May bansa ba o lupaing isinilang sa maikling panahon? Ngunit kapag nakaramdam na ng paghihirap ang Jerusalem, isisilang na ang kanyang mamamayan. Dadalhin ko ba ang bansang ito sa araw ng kanyang kapanganakan, at pagkatapos ay hindi ko siya hahayaang mailuwal?” wika ng PANGINOON. “Siyempre hindi! Hindi ko pipigilang maipanganak ito,” sabi ng Diyos. Kayong lahat ng nagmamahal sa Jerusalem, makigalak kayong kasama niya. At kayong mga umiiyak para sa kanya, makisaya kayo sa kanya, upang matamasa ninyo ang kanyang kasaganaan katulad ng sanggol na sumususo sa kanyang ina at nabusog.
Isaias 66:7-11 Ang Biblia (TLAB)
Bago siya nagdamdam, siya'y nanganak; bago dumating ang kaniyang paghihirap, siya'y nanganak ng isang lalake. Sinong nakarinig ng ganyang bagay? sinong nakakita ng ganyang mga bagay? ipanganganak baga ang lupain sa isang araw? ilalabas bagang paminsan ang isang bansa? sapagka't pagdaramdam ng Sion, ay nanganak ng kaniyang mga anak. Dadalhin ko baga sa kapanganakan, at hindi ko ilalabas? sabi ng Panginoon; magsasara baga ako ng bahay bata, akong nagpapanganak? sabi ng iyong Dios. Kayo'y mangagalak na kasama ng Jerusalem, at mangatuwa dahil sa kaniya, kayong lahat na nagsisiibig sa kaniya: kayo'y mangagalak ng kagalakan na kasama niya, kayong lahat na nagsisitangis dahil sa kaniya: Upang kayo'y makasuso at mabusog sa pamamagitan ng mga suso ng kaniyang mga kaaliwan; upang kayo'y makagatas, at malugod sa kasaganaan ng kaniyang kaluwalhatian.
Isaias 66:7-11 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
“Ang aking banal na lunsod ay parang babaing biglang nanganak; kahit hindi pa sumasakit ang kanyang tiyan, isang lalaki ang kanyang inianak. May nabalitaan na ba kayo o nakitang ganyan? Isang bansang biglang isinilang? Ang Zion ay hindi maghihirap nang matagal upang ang isang bansa ay kanyang isilang.” Ang sabi ni Yahweh: “Huwag ninyong isipin na ang bayan ko'y hahayaang umabot sa panahong dapat nang iluwal, at pagkatapos ay pipigilin sa pagsilang.” Makigalak kayo sa Jerusalem, magalak kayo dahil sa kanya; kayong lahat na nagmamahal sa lunsod na ito! Kayo'y makigalak at makipagsaya, lahat kayong tumangis para sa kanya. Tatamasahin ninyo ang kasaganaan niya, tulad ng sanggol sa dibdib ng kanyang ina.
Isaias 66:7-11 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)