Isaias 66:1-2
Isaias 66:1-2 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ito ang sabi ni Yahweh: “Ang aking trono ay ang kalangitan, at ang daigdig ang aking tuntungan. Anong klaseng bahay ang gagawin mo para sa akin? Anong klaseng lugar ang aking titirhan? Sa lahat ng bagay ako ang maylikha, kaya ako ang may-ari ng lahat ng ito. Ako'y nalulugod sa mga taong nagpapakumbabá at nagsisipagsisi, sa mga may takot at sa utos ko'y sumusunod.
Isaias 66:1-2 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Ito ang sinasabi ng PANGINOON, “Ang langit ang aking trono, at ang lupa ang aking apakan. Anong uri ng bahay ang gagawin nʼyo para sa akin? Anong lugar ba ang mapagpapahingahan ko? Hindi baʼt ako ang gumawa ng lahat ng bagay na ito, kaya silaʼy nalikha?” wika ng PANGINOON.
Isaias 66:1-2 Ang Biblia (TLAB)
Ganito ang sabi ng Panginoon, Ang langit ay aking luklukan, at ang lupa ay aking tungtungan: anong anyong bahay ang inyong itatayo sa akin? at anong dako ang magiging aking pahingahan? Sapagka't lahat ng mga bagay na ito ay nilikha ng aking kamay, at sa gayo'y nangyari ang lahat ng mga bagay na ito, sabi ng Panginoon: nguni't ang taong ito ay titingnan ko, sa makatuwid baga'y siyang dukha at may pagsisising loob, at nanginginig sa aking salita.
Isaias 66:1-2 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ito ang sabi ni Yahweh: “Ang aking trono ay ang kalangitan, at ang daigdig ang aking tuntungan. Anong klaseng bahay ang gagawin mo para sa akin? Anong klaseng lugar ang aking titirhan? Sa lahat ng bagay ako ang maylikha, kaya ako ang may-ari ng lahat ng ito. Ako'y nalulugod sa mga taong nagpapakumbabá at nagsisipagsisi, sa mga may takot at sa utos ko'y sumusunod.
Isaias 66:1-2 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)