Isaias 64:1-4
Isaias 64:1-4 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Bakit hindi mo buksan ang langit at bumabâ ka sa mundong ibabaw, upang ang mga bundok ay manginig sa takot sa iyong harapan? Sila'y manginginig na parang tubig na kumukulo sa init ng apoy. Ipakita mo ang iyong kapangyarihan sa iyong mga kaaway, upang manginig ang mga bansa sa iyong harapan. Nang ikaw ay dumating sa nakaraang panahon, gumawa ka ng mga bagay na nakakapangilabot na hindi namin inaasahan; ang mga bundok ay nanginig sa takot nang ikaw ay makita. Sangkatauhan ay wala pang nakikita o naririnig na Diyos maliban sa iyo; ikaw na tumutugon sa mga dalangin ng mga umaasa sa iyo.
Isaias 64:1-4 Ang Salita ng Diyos (ASD)
PANGINOON, punitin ninyo ang kalangitan at kayoʼy bumaba nang mayanig ang lahat ng kabundukan sa inyong harapan. Kung papaanong pinapaliyab ng apoy ang mga tuyong sanga at pinapakulo ang tubig, sa inyong pagdating ay manginginig ang mga bansang kaaway ninyo, at malalaman nila kung sino kayo. Noong kayoʼy bumaba at gumawa ng mga kahanga-hangang bagay na hindi namin inaasahan, nayanig ang mga bundok sa inyong harapan. Mula pa noong unang panahon, wala pang taingang nakarinig, wala pang matang nakakita sa Diyos maliban sa inyo na kumikilos para sa sinumang nagtitiwala sa kanya.
Isaias 64:1-4 Ang Biblia (TLAB)
Oh buksan mo sana ang langit, na ikaw ay bumaba, na ang mga bundok ay gumuho sa iyong harapan. Gaya ng kung nililiyaban ng apoy ang siitan, at ng kung pinakukulo ng apoy ang tubig; upang ipakilala ang iyong pangalan sa iyong mga kaaway, upang ang mga bansa ay manginig sa iyong harapan! Nang ikaw ay gumawa ng mga kakilakilabot na bagay na hindi namin hinihintay, ikaw ay bumaba, ang mga bundok ay gumuho sa iyong harapan. Sapagka't hindi narinig ng mga tao mula nang una, o naulinigan man ng pakinig, o ang mata ay nakakita man ng Dios liban sa iyo, na iginagawa niya ng kabutihan ang naghihintay sa kaniya.
Isaias 64:1-4 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Bakit hindi mo buksan ang langit at bumabâ ka sa mundong ibabaw, upang ang mga bundok ay manginig sa takot sa iyong harapan? Sila'y manginginig na parang tubig na kumukulo sa init ng apoy. Ipakita mo ang iyong kapangyarihan sa iyong mga kaaway, upang manginig ang mga bansa sa iyong harapan. Nang ikaw ay dumating sa nakaraang panahon, gumawa ka ng mga bagay na nakakapangilabot na hindi namin inaasahan; ang mga bundok ay nanginig sa takot nang ikaw ay makita. Sangkatauhan ay wala pang nakikita o naririnig na Diyos maliban sa iyo; ikaw na tumutugon sa mga dalangin ng mga umaasa sa iyo.
Isaias 64:1-4 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)