Isaias 62:8 - Compare All Versions
Isaias 62:8 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
Sumumpa si Yahweh at gagawin niya iyon sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan: “Hindi na ibibigay ang inyong ani upang kainin ng mga kaaway; hindi rin makakainom ang mga dayuhan, sa alak na inyong pinaghirapan.
Isaias 62:8 ASD (Ang Salita ng Diyos)
Nangako ang PANGINOON na gagawin niya ito sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan. Sinabi niya, “Hindi ko na ipapakain ang inyong mga trigo sa inyong mga dayuhang kaaway. Hindi na rin nila maiinom ang mga bagong alak na inyong pinaghirapan.
Isaias 62:8 TLAB (Ang Biblia)
Ang Panginoon ay sumumpa ng kaniyang kanang kamay, at ng bisig ng kaniyang kalakasan, Tunay na hindi na ako magbibigay ng iyong trigo na pinakapagkain sa iyong mga kaaway; at ang mga taga ibang lupa ay hindi magsisiinom ng iyong alak, na iyong pinagpagalan.
Isaias 62:8 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
Sumumpa si Yahweh at gagawin niya iyon sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan: “Hindi na ibibigay ang inyong ani upang kainin ng mga kaaway; hindi rin makakainom ang mga dayuhan, sa alak na inyong pinaghirapan.
Isaias 62:8 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))