Isaias 61:11
Isaias 61:11 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Sapagka't kung paanong ang lupa'y nagsisibol ng pananim, at kung paanong ang halamanan ay nagsisibol ng mga bagay na natanim sa kaniya; gayon pasisibulin ng Panginoong Dios ang katuwiran at kapurihan sa harap ng lahat na bansa.
Isaias 61:11 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Kung paanong sa lupa'y sumisibol ang halaman, at sa hardin ay lumilitaw ang binhing itinanim, ipapakita ng Panginoong Yahweh, ang kanyang katuwiran at papuri sa harap ng lahat ng bansa.
Isaias 61:11 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Sapagkat kung papaanong tiyak na sa lupa tumutubo ang mga binhi, ang tagumpay at katuwiran naman ay tiyak na manggagaling Makapangyarihang PANGINOON, at pupurihin siya ng mga bansa.
Isaias 61:11 Ang Biblia (TLAB)