Isaias 58:14
Isaias 58:14 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
At kung magkagayon, madarama ninyo ang kagalakan ng paglilingkod sa akin. Bibigyan ko kayo ng karangalan sa harap ng buong daigdig; at tatamasahin ninyo ang kaligayahan habang naninirahan sa lupaing ibinigay ko sa ninuno ninyong si Jacob. Mangyayari ito sapagkat akong si Yahweh ang nagsabi nito.”
Isaias 58:14 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Kapag ginawa ninyo ito, magiging maligaya kayo sa inyong paglilingkod sa akin. Pararangalan ko kayo sa buong mundo. Pasasaganain ko ang ani ng lupaing inyong minana sa inyong ninunong si Jacob.” Mangyayari nga ito dahil sinabi ng PANGINOON.
Isaias 58:14 Ang Biblia (TLAB)
Kung magkagayo'y malulugod ka nga sa Panginoon; at pangangabayuhin kita sa mga mataas na dako sa lupa; at pakakanin kita ng mana ni Jacob na iyong ama; sapagka't sinalita ng bibig ng Panginoon.
Isaias 58:14 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)