Isaias 56:6-8
Isaias 56:6-8 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ito naman ang sabi ni Yahweh sa mga dating dayuhan na ngayo'y kabilang sa kanyang bayan, buong pusong naglilingkod sa kanya, iginagalang ang Araw ng Pamamahinga, at matapat na nag-iingat sa kanyang tipan: “Dadalhin ko kayo sa banal na bundok. Ipadarama ko sa inyo ang kagalakan sa aking Templo. Malulugod ako sa inyong mga handog; at ang aking tahanan ay tatawaging bahay-dalanginan ng lahat ng bansa.” Ipinangako pa ng Panginoong Yahweh, sa mga Israelitang ibinalik niya mula sa pagkatapon, na marami pa siyang isasama sa kanila para mapabilang sa kanyang bayan.
Isaias 56:6-8 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Pagpapalain ko rin ang mga dayuhang nag-alay ng sarili nila sa PANGINOON para paglingkuran ako, mahalin, sambahin, at sundin ang aking ipinapagawa sa Araw ng Pamamahinga, hindi ito nilalapastangan, at tumutupad sa aking kasunduan. Dadalhin ko sila sa aking banal na bundok at aaliwin doon sa aking templong dalanginan. Tatanggapin ko sa aking altar ang kanilang mga handog na sinusunog at iba pang mga handog, sapagkat ang aking bahay ay tatawaging bahay-panalanginan ng mga tao mula sa lahat ng bansa.” Sinabi pa ng Makapangyarihang PANGINOON na nagtipon sa mga Israelitang nabihag, “Titipunin ko pa ang iba, maliban doon sa mga natipon ko na.”
Isaias 56:6-8 Ang Biblia (TLAB)
Gayon din ang mga taga ibang lupa, na nakikilakip sa Panginoon, upang magsipangasiwa sa kaniya, at magsiibig sa pangalan ng Panginoon, upang magsipangasiwa sa kaniya, at magsiibig sa pangalan ng Panginoon, upang maging kaniyang mga lingkod, bawa't nangingilin ng sabbath upang huwag lapastangin, at nagiingat ng aking tipan; Sila ay dadalhin ko sa aking banal na bundok, at papagkakatuwain ko sila sa aking bahay na dalanginan: ang kanilang mga handog na susunugin at ang kanilang mga hain ay tatanggapin sa aking dambana; sapagka't ang aking bahay ay tatawaging bahay na panalanginan para sa lahat ng mga bayan. Ang Panginoong Dios na pumipisan ng mga itinapon sa Israel ay nagsasabi, Magpipisan pa ako ng mga iba sa kaniya, bukod sa kaniyang sarili na nangapisan.
Isaias 56:6-8 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ito naman ang sabi ni Yahweh sa mga dating dayuhan na ngayo'y kabilang sa kanyang bayan, buong pusong naglilingkod sa kanya, iginagalang ang Araw ng Pamamahinga, at matapat na nag-iingat sa kanyang tipan: “Dadalhin ko kayo sa banal na bundok. Ipadarama ko sa inyo ang kagalakan sa aking Templo. Malulugod ako sa inyong mga handog; at ang aking tahanan ay tatawaging bahay-dalanginan ng lahat ng bansa.” Ipinangako pa ng Panginoong Yahweh, sa mga Israelitang ibinalik niya mula sa pagkatapon, na marami pa siyang isasama sa kanila para mapabilang sa kanyang bayan.
Isaias 56:6-8 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)