Isaias 56:5-6
Isaias 56:5-6 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang pangalan mo'y aalalahanin sa aking Templo at sa gitna ng aking bayan nang mas matagal kaysa paggunita sa iyo, kung ikaw ay nagkaroon ng mga anak. Hindi ka malilimot kahit kailan.” Ito naman ang sabi ni Yahweh sa mga dating dayuhan na ngayo'y kabilang sa kanyang bayan, buong pusong naglilingkod sa kanya, iginagalang ang Araw ng Pamamahinga, at matapat na nag-iingat sa kanyang tipan
Isaias 56:5-6 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Papayagan ko silang makapasok sa aking Templo at pararangalan ko sila nang higit pa sa karangalang ibibigay sa kanila kung silaʼy nagkaanak. At hindi sila makakalimutan ng mga tao magpakailanman. Pagpapalain ko rin ang mga dayuhang nag-alay ng sarili nila sa PANGINOON para paglingkuran ako, mahalin, sambahin, at sundin ang aking ipinapagawa sa Araw ng Pamamahinga, hindi ito nilalapastangan, at tumutupad sa aking kasunduan.
Isaias 56:5-6 Ang Biblia (TLAB)
Sila'y bibigyan ko sa aking bahay at sa loob ng aking mga kuta, ng alaala at pangalan na maigi kay sa mga anak na lalake at babae; aking bibigyan sila ng walang hanggang pangalan, na hindi mapaparam. Gayon din ang mga taga ibang lupa, na nakikilakip sa Panginoon, upang magsipangasiwa sa kaniya, at magsiibig sa pangalan ng Panginoon, upang magsipangasiwa sa kaniya, at magsiibig sa pangalan ng Panginoon, upang maging kaniyang mga lingkod, bawa't nangingilin ng sabbath upang huwag lapastangin, at nagiingat ng aking tipan
Isaias 56:5-6 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ang pangalan mo'y aalalahanin sa aking Templo at sa gitna ng aking bayan nang mas matagal kaysa paggunita sa iyo, kung ikaw ay nagkaroon ng mga anak. Hindi ka malilimot kahit kailan.” Ito naman ang sabi ni Yahweh sa mga dating dayuhan na ngayo'y kabilang sa kanyang bayan, buong pusong naglilingkod sa kanya, iginagalang ang Araw ng Pamamahinga, at matapat na nag-iingat sa kanyang tipan
Isaias 56:5-6 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)