Isaias 52:7-15
Isaias 52:7-15 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
O kay gandang pagmasdan sa mga kabundukan, ang sugong dumarating upang ipahayag ang kapayapaan, at nagdadala ng Magandang Balita. Ipahahayag niya ang tagumpay at sasabihin: “Zion, ang Diyos mo ay naghahari!” Narito! Sisigaw ang nagbabantay, dahil sa galak, sama-sama silang aawit; makikita nila si Yahweh na babalik sa Zion. Magsiawit kayo, mga guhong pader nitong Jerusalem; sapagkat inaliw ng Diyos ang hinirang niyang bayan; iniligtas na niya itong Jerusalem. Sa lahat ng bansa, makikita ng mga nilalang, ang kamay ni Yahweh na tanda ng kalakasan; at ang pagliligtas ng ating Diyos tiyak na mahahayag. Lisanin ninyo ang Babilonia, mga tagapagdala ng kasangkapan ng Templo. Huwag kayong hihipo ng anumang bagay na ipinagbabawal. Manatili kayong malinis at kayo ay mag-alisan. Ngayon ay lalakad kayong hindi na nagmamadali. Hindi na kayo magtatangkang tumakas. Papatnubayan kayo ni Yahweh; at iingatan sa lahat ng saglit ng Diyos ng Israel. Sinabi ni Yahweh, “Ang lingkod ko'y magtatagumpay sa kanyang gawain; mababantog siya at dadakilain. Marami ang nagulat nang siya'y makita, dahil sa pagkabugbog sa kanya, halos hindi makilala kung siya ay tao. Ngayo'y marami rin ang mga bansang magugulantang; pati mga hari kapag siya'y nakita ay matitigilan. Makikita nila ang hindi nabalita kahit na kailan, at mauunawaan ang hindi pa narinig ninuman!”
Isaias 52:7-15 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Napakagandang pagmasdan sa kabundukan ang mga sugong dala-dala ang magandang balita; balita na naghahayag ng kapayapaan, at nagsasaad ng kabutihan tungkol sa pagliligtas ng Diyos. Sasabihin nila sa Zion, “Naghahari na ang iyong Diyos!” Sumisigaw sa tuwa ang mga tagapagbantay ng lungsod; sabay-sabay silang umaawit sa galak, dahil makikita mismo ng kanilang mga mata ang pagbabalik ng PANGINOON sa Zion. Sama-sama kayong umawit nang may kagalakan, mga guho ng Jerusalem, sapagkat inaliw ng PANGINOON ang kanyang mga mamamayan. Iniligtas niya ang Jerusalem! Ipapakita ng PANGINOON ang natatangi niyang kapangyarihan sa lahat ng bansa, at makikita ng buong mundo ang pagliligtas ng ating Diyos. Kayong mga tagapagdala ng mga kagamitan ng bahay ng PANGINOON, umalis na kayo sa Babilonia. Huwag kayong hihipo ng mga bagay na itinuturing na marumi. Umalis na kayo sa Babilonia, at magpakabanal. Ngunit ngayon, hindi nʼyo na kailangang magmadali sa pag-alis, na para bang tumatakas. Sapagkat ang PANGINOON ang mangunguna sa inyo. Ang Diyos ng Israel ang magtatanggol sa inyo. PANGINOON Sinabi ng PANGINOON, “Ang aking lingkod ay magtatagumpay. Magiging tanyag siya at pararangalan. Marami ang nasindak sa kanya, dahil sirang-sira ang kanyang mukha na parang hindi na mukha ng tao; ang hitsura niyaʼy napinsala ng todo. Pati ang mga bansa ay mamamangha sa kanya. Ang mga hari ay hindi makakaimik dahil sa kanya, sapagkat makikita nila ang mga bagay na hindi pa nasasabi sa kanila. At mauunawaan nila ang mga bagay na hindi pa nila naririnig.”
Isaias 52:7-15 Ang Biblia (TLAB)
Anong pagkaganda sa mga bundok ng mga paa niyaong nagdadala ng mga mabuting balita, na naghahayag ng kapayapaan, na nangagdadala ng mga mabuting balita sa ikabubuti, na nagtatanyag ng kaligtasan, na nagsasabi sa Sion, Ang iyong Dios ay naghahari! Ang tinig ng iyong mga bantay! sila'y naglalakas ng tinig, na magkakasamang nagsisiawit; sapagka't sila'y makakakita ng mukhaan pagka ang Panginoon ay bumalik sa Sion. Kayo'y magbiglang magalak, kayo'y magsiawit na magkakasama, kayong mga sirang dako ng Jerusalem; sapagka't inaliw ng Panginoon ang kaniyang bayan, kaniyang tinubos ang Jerusalem. Hinubdan ng Panginoon ang kaniyang banal na bisig sa harap ng mga mata ng lahat na bansa; at makikita ng lahat na wakas ng lupa ang pagliligtas ng ating Dios. Kayo'y magsiyaon, kayo'y magsiyaon, kayo'y magsialis doon, huwag kayong magsisihipo ng maruming bagay; kayo'y magsilabas sa gitna niya; kayo'y mangagpakalinis, kayong nangagdadala ng mga sisidlan ng Panginoon. Sapagka't kayo'y hindi magsisilabas na nagmamadali, o magsisilabas man kayo na takas: sapagka't ang Panginoon ay magpapauna sa inyo; at ang Dios ng Israel ay magiging inyong bantay likod. Narito, ang lingkod ko ay gagawang may karunungan, siya'y mabubunyi, at malalagay na mataas, at magiging napakataas. Kung paanong marami ang natigilan dahil sa iyo (ang kaniyang mukha ay napakakatuwa kay sa kaninomang lalake, at ang kaniyang anyo ay higit na kumatuwa kay sa mga anak ng mga tao), Gayon siya magwiwisik sa maraming bansa; ang mga hari ay magtitikom ng kanilang mga bibig dahil sa kaniya: sapagka't ang hindi nasaysay sa kanila ay kanilang makikita; at ang hindi nila narinig ay kanilang mauunawa.
Isaias 52:7-15 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
O kay gandang pagmasdan sa mga kabundukan, ang sugong dumarating upang ipahayag ang kapayapaan, at nagdadala ng Magandang Balita. Ipahahayag niya ang tagumpay at sasabihin: “Zion, ang Diyos mo ay naghahari!” Narito! Sisigaw ang nagbabantay, dahil sa galak, sama-sama silang aawit; makikita nila si Yahweh na babalik sa Zion. Magsiawit kayo, mga guhong pader nitong Jerusalem; sapagkat inaliw ng Diyos ang hinirang niyang bayan; iniligtas na niya itong Jerusalem. Sa lahat ng bansa, makikita ng mga nilalang, ang kamay ni Yahweh na tanda ng kalakasan; at ang pagliligtas ng ating Diyos tiyak na mahahayag. Lisanin ninyo ang Babilonia, mga tagapagdala ng kasangkapan ng Templo. Huwag kayong hihipo ng anumang bagay na ipinagbabawal. Manatili kayong malinis at kayo ay mag-alisan. Ngayon ay lalakad kayong hindi na nagmamadali. Hindi na kayo magtatangkang tumakas. Papatnubayan kayo ni Yahweh; at iingatan sa lahat ng saglit ng Diyos ng Israel. Sinabi ni Yahweh, “Ang lingkod ko'y magtatagumpay sa kanyang gawain; mababantog siya at dadakilain. Marami ang nagulat nang siya'y makita, dahil sa pagkabugbog sa kanya, halos hindi makilala kung siya ay tao. Ngayo'y marami rin ang mga bansang magugulantang; pati mga hari kapag siya'y nakita ay matitigilan. Makikita nila ang hindi nabalita kahit na kailan, at mauunawaan ang hindi pa narinig ninuman!”
Isaias 52:7-15 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)