Isaias 51:1-8
Isaias 51:1-8 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang sabi ni Yahweh, “Dinggin ninyo ako, kayo, na naghahanap ng kaligtasan, at humihingi ng tulong. Pagmasdan ninyo ang batong malaki na inyong pinagmulan, tingnan ninyo ang pinaghuhukayan ng bato na inyong pinanggalingan. Inyong alalahanin ang ninuno ninyong si Abraham, at ang asawa niyang si Sara na sa lahi ninyo'y nagluwal. Nang aking tawagin si Abraham, siya'y walang anak. Ngunit pinagpala ko siya at pinarami ang kanyang lahi. Aking aaliwin ang Jerusalem; at ang lahat ng nakatira sa gumuhong lunsod. Mula sa pagiging tila disyerto, gagawin ko itong tulad ng Halamanan ng Eden. Maghahari roon ang kagalakan at pagpupuri, ang awitan at pasasalamat para sa akin. “Pakinggan ninyo ako aking bayan, ihahayag ko ang kautusan at katarungan na magsisilbing tanglaw para sa lahat. Ang pagliligtas ko ay agad na darating, hindi na magtatagal at ako'y magtatagumpay. Ako'y maghahari sa lahat ng bansa. Ang malalayong bansa ay naghihintay sa akin, at ang pagliligtas ko ang kanilang inaasahan. Sa dakong itaas, sa kalangitan kayo ay tumingin, sa dakong ibaba, dito sa daigdig ay magmasid din. Katulad ng usok, itong kalangita'y pawang maglalaho, at itong daigdig mawawasak namang parang kasuotan. Ang mga naroon, lahat ng nilikha ay parang langaw na mamamatay. Ngunit ang pagliligtas ko ay walang hanggan, ang tagumpay ay walang katapusan. “Ang nakakaalam tungkol sa matuwid, sa aki'y makinig, kayong lingkod ko na tagapag-ingat ng aking kautusan. Hindi kayo dapat matakot sa puna ng tao, o manlupaypay man kung laitin kayo. Katulad ng damit ang mga taong iyan ay masisira, sila'y tulad ng tela na kakainin ng uod; ngunit walang hanggan at para sa lahat ng salinlahi ang aking tagumpay at pagliligtas.”
Isaias 51:1-8 Ang Salita ng Diyos (ASD)
“Makinig kayo sa akin, kayong mga nagsusumikap na maging matuwid at sumunod sa akin. Isipin ninyo ang bato kung saan kayo pinutol, ang minahang pinaghukayan sa inyo. Alalahanin ninyo sina Abraham na inyong ama, at si Sara na nagsilang sa inyo Noong tinawag ko si Abraham, nag-iisa siya, ngunit pinagpala ko siya at pinarami ang kanyang lahi. Aaliwin ko ang Jerusalem at kahahabagan ko ang pagkawasak nito. Ang mga disyerto nito ay gagawin kong parang halamanan ng Eden. Maghahari sa Jerusalem ang kagalakan, pasasalamat at pag-aawitan. “Mga mamamayan ko, makinig kayo sa akin. O aking bayan, akoʼy inyong dinggin: Ibibigay ko ang aking kautusan at magsisilbi itong ilaw sa mga bansa. Malapit ko na kayong bigyan ng tagumpay. Hindi magtatagal at ililigtas ko na kayo. Ako ang mamamahala sa mga bansa. Ang mga nasa malalayong lugar ay maghihintay sa akin at maghahangad ng aking kapangyarihan. Tumingin kayo sa langit; pagmasdan ninyo ang lupa. Mawawala ang langit na parang usok, masisira ang lupa na parang damit, at mamamatay ang mga mamamayan nito na parang mga kulisap. Ngunit ang kaligtasan koʼy mananatili magpakailanman. Ang katarungan koʼy walang hanggan. “Makinig kayo sa akin, kayong mga nakakaalam kung ano ang tama at sumusunod sa aking kautusan! Huwag kayong matatakot sa mga panghihiya at pangungutya ng mga tao sa inyo. Sapagkat matutulad sila sa damit na nginatngat ng mga kulisap. Ngunit ang aking katuwiran ay mananatili magpakailanman. Ang kaligtasan koʼy magpapatuloy sa mga salinlahi.”
Isaias 51:1-8 Ang Biblia (TLAB)
Kayo'y magsipakinig sa akin, kayong nagsisisunod sa katuwiran, kayong nagsisihanap sa Panginoon: magsitingin kayo sa malaking bato na inyong kinaputulan, at sa luwang ng hukay na kinahukayan sa inyo. Tingnan ninyo si Abraham na inyong ama, at si Sara na nanganak sa inyo; sapagka't nang siya'y iisa ay tinawag ko siya, at aking pinagpala siya, at aking pinarami siya. Sapagka't inaliw ng Panginoon ang Sion; kaniyang pinasaya ang lahat niyang sirang dako, at ginawa niyang parang Eden ang kaniyang ilang, at ang kaniyang lupang masukal ay parang halamanan ng Panginoon; kagalakan at kasayahan ay masusumpungan doon, pagpapasalamat, at tinig na mainam. Makinig ka sa akin, Oh bayan ko; at pakinggan mo ako, Oh bansa ko: sapagka't isang kautusan ay magmumula sa akin, at ang aking kahatulan ay gagawin kong pinakaliwanag sa mga bayan. Ang katuwiran ko ay malapit, ang aking pagliligtas ay lumabas, at hahatol ang aking mga bisig sa mga bayan; ang mga pulo ay magsisipaghintay sa akin, at sa aking bisig ay magsisitiwala sila. Itingin ninyo ang inyong mga mata sa mga langit, at magsitungo kayo sa lupa sa ibaba; sapagka't ang mga langit ay mapapawing parang usok, at ang lupa ay malulumang parang bihisan; at silang nagsisitahan doon ay mangamamatay ng gayon ding paraan: nguni't ang pagliligtas ko ay magpakailan man, at ang aking katuwiran ay hindi mawawakasan. Inyong pakinggan ako, ninyong nakakaalam ng katuwiran, bayan na ang puso ay kinaroonan ng aking kautusan; huwag ninyong katakutan ang pula ng mga tao, o manglupaypay man kayo sa kanilang mga paglait. Sapagka't sila'y lalamunin ng tanga na parang bihisan, at kakanin sila ng uod na parang bihisan na balahibo ng tupa; nguni't ang aking katuwiran ay magiging magpakailan man, at ang aking pagliligtas ay sa lahat ng sali't saling lahi.
Isaias 51:1-8 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ang sabi ni Yahweh, “Dinggin ninyo ako, kayo, na naghahanap ng kaligtasan, at humihingi ng tulong. Pagmasdan ninyo ang batong malaki na inyong pinagmulan, tingnan ninyo ang pinaghuhukayan ng bato na inyong pinanggalingan. Inyong alalahanin ang ninuno ninyong si Abraham, at ang asawa niyang si Sara na sa lahi ninyo'y nagluwal. Nang aking tawagin si Abraham, siya'y walang anak. Ngunit pinagpala ko siya at pinarami ang kanyang lahi. Aking aaliwin ang Jerusalem; at ang lahat ng nakatira sa gumuhong lunsod. Mula sa pagiging tila disyerto, gagawin ko itong tulad ng Halamanan ng Eden. Maghahari roon ang kagalakan at pagpupuri, ang awitan at pasasalamat para sa akin. “Pakinggan ninyo ako aking bayan, ihahayag ko ang kautusan at katarungan na magsisilbing tanglaw para sa lahat. Ang pagliligtas ko ay agad na darating, hindi na magtatagal at ako'y magtatagumpay. Ako'y maghahari sa lahat ng bansa. Ang malalayong bansa ay naghihintay sa akin, at ang pagliligtas ko ang kanilang inaasahan. Sa dakong itaas, sa kalangitan kayo ay tumingin, sa dakong ibaba, dito sa daigdig ay magmasid din. Katulad ng usok, itong kalangita'y pawang maglalaho, at itong daigdig mawawasak namang parang kasuotan. Ang mga naroon, lahat ng nilikha ay parang langaw na mamamatay. Ngunit ang pagliligtas ko ay walang hanggan, ang tagumpay ay walang katapusan. “Ang nakakaalam tungkol sa matuwid, sa aki'y makinig, kayong lingkod ko na tagapag-ingat ng aking kautusan. Hindi kayo dapat matakot sa puna ng tao, o manlupaypay man kung laitin kayo. Katulad ng damit ang mga taong iyan ay masisira, sila'y tulad ng tela na kakainin ng uod; ngunit walang hanggan at para sa lahat ng salinlahi ang aking tagumpay at pagliligtas.”
Isaias 51:1-8 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)