Isaias 50:10-11
Isaias 50:10-11 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Kayong lahat na may paggalang kay Yahweh, at sumusunod sa utos ng kanyang lingkod, maaaring ang landas ninyo ay maging madilim, gayunma'y magtiwala kayo at umasa sa kapangyarihan ng Diyos na si Yahweh. Kayo namang nagbabalak magpahamak sa iba ang siyang magdurusa sa inyong binabalak. Kahabag-habag ang sasapitin ninyo sapagkat si Yahweh ang gagawa nito.
Isaias 50:10-11 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Sino sa inyo ang may takot sa PANGINOON at sumusunod sa mga itinuturo ng kanyang lingkod? Kinakailangang magtiwala siya sa PANGINOON niyang Diyos kahit sa daang madilim at walang liwanag. Ngunit mag-ingat kayo, kayong mga nagbabalak na ipahamak ang iba, kayo rin ang mapapahamak sa sarili ninyong mga pakana! Mismong ang PANGINOON ang magpaparusa sa inyo, at kayoʼy mamamatay sa matinding parusa.
Isaias 50:10-11 Ang Biblia (TLAB)
Sino sa inyo ang natatakot sa Panginoon, na sumusunod sa tinig ng kaniyang lingkod? Siyang lumalakad sa kadiliman, at walang liwanag, tumiwala siya sa pangalan ng Panginoon, at umasa sa kaniyang Dios. Narito, kayong lahat na nangagsusulsol ng apoy, na kumukubkob ng mga sulo: magsilakad kayo sa liyab ng inyong apoy, at sa gitna ng mga sulo na inyong pinagalab. Ito ang tatamuhin ninyo sa aking kamay; kayo'y hihiga sa kapanglawan.
Isaias 50:10-11 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Kayong lahat na may paggalang kay Yahweh, at sumusunod sa utos ng kanyang lingkod, maaaring ang landas ninyo ay maging madilim, gayunma'y magtiwala kayo at umasa sa kapangyarihan ng Diyos na si Yahweh. Kayo namang nagbabalak magpahamak sa iba ang siyang magdurusa sa inyong binabalak. Kahabag-habag ang sasapitin ninyo sapagkat si Yahweh ang gagawa nito.
Isaias 50:10-11 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Sino sa inyo ang natatakot sa Panginoon, na sumusunod sa tinig ng kaniyang lingkod? Siyang lumalakad sa kadiliman, at walang liwanag, tumiwala siya sa pangalan ng Panginoon, at umasa sa kaniyang Dios. Narito, kayong lahat na nangagsusulsol ng apoy, na kumukubkob ng mga suló: magsilakad kayo sa liyab ng inyong apoy, at sa gitna ng mga suló na inyong pinagalab. Ito ang tatamuhin ninyo sa aking kamay; kayo'y hihiga sa kapanglawan.