Isaias 49:1-6
Isaias 49:1-6 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Makinig kayo mga taong naninirahan sa malalayong mga bansa. Pinili na ako ni Yahweh bago pa isilang, at hinirang niya ako para siya'y paglingkuran. Mga salita ko'y ginawa niyang singtalim ng espada, siya ang sa aki'y laging nag-iingat. Ginawa niya akong parang matulis na palaso na anumang oras ay handang itudla. Sinabi niya sa akin, “Israel, ikaw ay lingkod ko; sa pamamagitan mo ako'y pupurihin ng mga tao.” Ngunit ang sagot ko, “Ako ay nabigo sa aking pagsisikap, hindi nagtagumpay gayong ibinuhos ko ang aking lakas.” Gayunma'y ipinapaubaya ko kay Yahweh ang aking kalagayan, na ako'y kanyang gagantimpalaan sa aking nakayanan. Bago pa ako ipanganak ay hinirang na ni Yahweh; pinili niya ako para maging lingkod niya, upang tipunin ang bayang Israel na nagkawatak-watak. Binigyan ako ni Yahweh ng karangalan, sa kanya nagbubuhat ang aking kalakasan. Sinabi sa akin ni Yahweh: “Israel na aking lingkod, may mas mahalaga pa akong ipapagawa sa iyo. Bukod sa pagpapanumbalik sa mga Israelitang nalabi, gagawin din kitang liwanag sa mga bansa upang ang buong daigdig ay maligtas.”
Isaias 49:1-6 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Makinig kayo sa akin, kayong mga nasa isla, dinggin ninyo ito, kayong mga nasa malalayong lupain: Hindi pa man ako isinisilang, hinirang na ako ng PANGINOON mula sa sinapupunan ng aking ina, akoʼy tinawag niya. Ginawa niyang kasintalim ng espada ang mga salita ko. Iningatan niya ako sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan. Ginawa niya akong parang makinang na pana na handa nang itudla. Sinabi niya sa akin, “Israel, ikaw ay lingkod ko. Sa pamamagitan mo, pararangalan ako ng mga tao.” Ngunit sinabi ko, “Ang paghihirap koʼy nauwi sa wala; nasayang ang lakas ko at walang kinahinatnan. Ngunit ipinaubaya ko ito sa PANGINOON na aking Diyos. Siya ang magbibigay ng gantimpala sa aking mga gawa.” Ang PANGINOON ang nagsasabi, siya na lumikha sa akin sa sinapupunan ng aking ina, ang pumili sa akin na maging lingkod niya, para pabalikin sa kanya at tipunin ang mga Israelita. Pinarangalan ako ng PANGINOON na aking Diyos at binigyan niya ako ng lakas. Sinabi niya, “Ikaw na lingkod ko, marami pang mga gawain ang ipapagawa ko sa iyo, maliban sa pagpapabalik sa mga tribo ng Israel na aking kinakalinga. Gagawin pa kitang ilaw ng mga bansa upang maligtas ang buong mundo.”
Isaias 49:1-6 Ang Biblia (TLAB)
Kayo'y magsipakinig sa akin, Oh mga pulo; at inyong pakinggan, ninyong mga bayan, sa malayo: tinawag ako ng Panginoon mula sa bahay-bata; mula sa bahay-bata ng aking ina ay binanggit niya ang aking pangalan: At kaniyang ginawa ang aking bibig na parang matalas na tabak; sa lilim ng kaniyang kamay ay ikinubli niya ako: at ginawa niya akong makinang na pana; sa kaniyang lalagyan ng pana ay itinago niya ako: At sinabi niya sa akin, Ikaw ay aking lingkod; Israel, na siyang aking ikaluluwalhati. Nguni't aking sinabi, Ako'y gumawang walang kabuluhan, aking ginugol ang aking lakas sa wala, at sa walang kabuluhan; gayon ma'y tunay na ang kahatulan sa akin ay nasa Panginoon, at ang kagantihan sa akin ay nasa aking Dios. At ngayo'y sinasabi ng Panginoon na naganyo sa akin mula sa bahay-bata upang maging kaniyang lingkod, upang dalhin uli ang Jacob sa kaniya, at ang Israel ay mapisan sa kaniya: (sapagka't ako'y marangal sa mga mata ng Panginoon, at ang aking Dios ay naging aking kalakasan;) Oo, kaniyang sinasabi, Totoong magaan ang bagay na ikaw ay naging aking lingkod upang ibangon ang mga lipi ng Jacob, at isauli ang iningatan ng Israel, ikaw ay aking ibibigay na pinakailaw sa mga Gentil upang ikaw ay maging aking kaligtasan hanggang sa wakas ng lupa.
Isaias 49:1-6 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Makinig kayo mga taong naninirahan sa malalayong mga bansa. Pinili na ako ni Yahweh bago pa isilang, at hinirang niya ako para siya'y paglingkuran. Mga salita ko'y ginawa niyang singtalim ng espada, siya ang sa aki'y laging nag-iingat. Ginawa niya akong parang matulis na palaso na anumang oras ay handang itudla. Sinabi niya sa akin, “Israel, ikaw ay lingkod ko; sa pamamagitan mo ako'y pupurihin ng mga tao.” Ngunit ang sagot ko, “Ako ay nabigo sa aking pagsisikap, hindi nagtagumpay gayong ibinuhos ko ang aking lakas.” Gayunma'y ipinapaubaya ko kay Yahweh ang aking kalagayan, na ako'y kanyang gagantimpalaan sa aking nakayanan. Bago pa ako ipanganak ay hinirang na ni Yahweh; pinili niya ako para maging lingkod niya, upang tipunin ang bayang Israel na nagkawatak-watak. Binigyan ako ni Yahweh ng karangalan, sa kanya nagbubuhat ang aking kalakasan. Sinabi sa akin ni Yahweh: “Israel na aking lingkod, may mas mahalaga pa akong ipapagawa sa iyo. Bukod sa pagpapanumbalik sa mga Israelitang nalabi, gagawin din kitang liwanag sa mga bansa upang ang buong daigdig ay maligtas.”
Isaias 49:1-6 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)