Isaias 48:1-6
Isaias 48:1-6 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Dinggin mo ito, O bayang Israel, kayong nagmula sa lahi ni Juda, sumumpa kayong maglilingkod kay Yahweh, at sasambahin ang Diyos ng Israel, ngunit hindi kayo naging tapat sa kanya. Ipinagmamalaki ninyong kayo'y nakatira sa banal na lunsod; at kayo'y umaasa sa Diyos ng Israel; ang pangalan niya ay Yahweh na Makapangyarihan sa lahat. Sinabi ni Yahweh sa Israel, “Noong una pa'y alam ko na kung ano ang mangyayari. Pagkatapos ay bigla ko itong isinakatuparan. Alam kong matitigas ang inyong ulo, may leeg na parang bakal at noo na parang tanso. Kaya noon pa, ipinahayag ko na ang mangyayari sa iyo, upang kung maganap na'y huwag ninyong isipin na ang mga diyus-diyosan ang may gawa nito. “Lahat ng pahayag ko ay pawang natupad, inyo nang kilalanin ang katotohanan nito. Ngayo'y may ihahayag akong bago, mga bagay na hindi ko inihayag noon.
Isaias 48:1-6 Ang Salita ng Diyos (ASD)
“Makinig kayo, mga lahi ni Jacob, kayong tinatawag na Israel, at nagmula sa lahi ni Juda. Sumusumpa kayo sa pangalan ng PANGINOON at tumatawag sa Diyos ng Israel. Ngunit pakunwari lang pala, dahil hindi naman matuwid ang inyong pamumuhay. Sinasabi pa ninyong kayoʼy mga mamamayan ng banal na lungsod, at nagtitiwala kayo sa Diyos ng Israel, na ang pangalan ay PANGINOON ng mga Hukbo. Sinabi ko na noon pa kung ano ang mga mangyayari sa hinaharap. At itoʼy aking isinakatuparan. Sapagkat alam ko kung gaano katigas ang inyong ulo. Ang inyong leeg ay kasintigas ng bakal at ang inyong noo ay kasintigas ng tanso. Kaya sinabi ko na agad sa inyo ang aking gagawin. Noong hindi pa ito nangyayari, sinabi ko na ito sa inyo upang hindi ninyo masabing ang inyong mga diyos-diyosan, mga imaheng gawa sa kahoy at bakal ang siyang nag-utos nito. Narinig ninyo ang aking mga propesiya at nakita ninyo ang katuparan ng mga ito, ngunit ayaw ninyong tanggapin na ako ang gumawa nito.
Isaias 48:1-6 Ang Biblia (TLAB)
Iyong dinggin ito, Oh sangbahayan ni Jacob, na tinatawag sa pangalan ng Israel, at nagsilabas sa bukal ng Juda; na nagsisumpa sa pangalan ng Panginoon, at nagsibanggit ng Dios ng Israel, nguni't hindi sa katotohanan, o sa katuwiran man. (Sapagka't sila'y tinatawag ayon sa bayang banal, at nagsitiwala sa Dios ng Israel; ang Panginoon ng mga hukbo ang kaniyang pangalan): Aking ipinahayag ang mga dating bagay mula nang una; oo, yao'y lumabas sa aking bibig, at aking ipinakilala: biglang ginawa ko, at nangyari. Sapagka't nakilala ko, na ikaw ay mapagmatigas, at ang iyong leeg ay parang litid na bakal, at ang iyong noo ay parang tanso: Kaya't aking ipinahayag sa iyo mula nang una; bago nangyari ay ipinakilala ko sa iyo: baka iyong sabihin, Mga ginawa ng aking diosdiosan, at ang aking larawang inanyuan, at ang aking larawang binubo, nagutos sa kanila. Iyong narinig; tingnan mong lahat ito; at kayo, hindi ba ninyo ipahahayag? Ako'y nagpakita sa iyo ng mga bagong bagay mula sa panahong ito, sa makatuwid baga'y mga kubling bagay na hindi mo naalaman.
Isaias 48:1-6 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Dinggin mo ito, O bayang Israel, kayong nagmula sa lahi ni Juda, sumumpa kayong maglilingkod kay Yahweh, at sasambahin ang Diyos ng Israel, ngunit hindi kayo naging tapat sa kanya. Ipinagmamalaki ninyong kayo'y nakatira sa banal na lunsod; at kayo'y umaasa sa Diyos ng Israel; ang pangalan niya ay Yahweh na Makapangyarihan sa lahat. Sinabi ni Yahweh sa Israel, “Noong una pa'y alam ko na kung ano ang mangyayari. Pagkatapos ay bigla ko itong isinakatuparan. Alam kong matitigas ang inyong ulo, may leeg na parang bakal at noo na parang tanso. Kaya noon pa, ipinahayag ko na ang mangyayari sa iyo, upang kung maganap na'y huwag ninyong isipin na ang mga diyus-diyosan ang may gawa nito. “Lahat ng pahayag ko ay pawang natupad, inyo nang kilalanin ang katotohanan nito. Ngayo'y may ihahayag akong bago, mga bagay na hindi ko inihayag noon.
Isaias 48:1-6 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)