Isaias 44:21-28
Isaias 44:21-28 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Sinabi ni Yahweh, “Tandaan mo Israel, ikaw ay aking lingkod. Nilalang kita upang maglingkod sa akin. Hindi kita kakalimutan. Ang pagkakasala mo'y pinawi ko na, naglahong ulap ang katulad; Ika'y manumbalik dahil tinubos na kita at pinalaya. Magdiwang kayo, kalangitan! Gayundin kayo kalaliman ng lupa! Umawit kayo, mga bundok at kagubatan, sapagkat nahayag ang karangalan ni Yahweh nang iligtas niya ang bansang Israel. “Akong si Yahweh, na iyong Tagapagligtas, ang lumikha sa iyo: Ako ang lumikha ng lahat ng bagay. Ako lamang mag-isa ang nagladlad nitong kalangitan, at nag-iisa ring lumikha ng sanlibutan. Aking binibigo ang mga sinungaling na propeta at ang mga manghuhula; ang mga marurunong ay ginagawang mangmang, at ang dunong nila'y ginawang kahangalan. Ngunit ang pahayag ng mga lingkod ko'y pawang nagaganap, at ang mga payo ng aking mga sugo ay natutupad; ako ang maysabing darami ang tao sa Jerusalem, muling itatayo ang mga gumuhong lunsod sa Juda. Isang utos ko lamang, natutuyo ang karagatan. Ang sabi ko kay Ciro, ‘Ikaw ang gagawin kong tagapamahala. Susundin mo ang lahat ng ipapagawa ko sa iyo. Ang Jerusalem ay muli mong ipatatayo, gayundin ang mga pundasyon ng Templo.’”
Isaias 44:21-28 Ang Salita ng Diyos (ASD)
“Israel, dahil sa ikaw ay aking lingkod, isipin mo ito: Ginawa kita para maglingkod sa akin. Hindi kita kalilimutan. Hahawiin ko ang iyong mga kasalanan tulad ng ulap at ikakalat ko ang mga ito gaya ng ambon sa umaga. Manumbalik ka sa akin upang mailigtas kita.” O kalangitan, umawit ka sa tuwa! O mundo, sumigaw ka nang malakas! Umawit kayo, kayong mga bundok at mga kagubatan. Sapagkat Ililigtas ng PANGINOON ang lahi ni Jacob; ipapakita niya ang kanyang kapangyarihan sa Israel. “Ito ang sinasabi ng PANGINOON na inyong Tagapagligtas na lumikha sa inyo. “Ako ang PANGINOONG lumikha ng lahat ng bagay. Ako lang mag-isa ang naglatag ng langit at ako lang din ang lumikha ng mundo. Binigo ko ang mga hula ng mga bulaang propeta. At ginagawa kong mangmang ang mga nanghuhula. Binabaliktad ko ang sinasabi ng marurunong at ginagawa kong walang kabuluhan ang kanilang nalalaman. Ngunit tinutupad ko ang propesiya ng aking mga lingkod at mga tagapagsalita. “Sinabi kong ang Jerusalem ay muling titirhan, at ang iba pang bayan ng Juda na nagiba ay muling itatayo. Kapag sinabi kong matutuyo ang ilog, matutuyo nga ito. Sinabi ko kay Ciro, ‘Ikaw ang tagapagbantay ng aking mga mamamayan at gagawin mo ang lahat ng nais ko. Mag-uutos ka na muling itayo ang Jerusalem at ang Templo roon.’ ”
Isaias 44:21-28 Ang Biblia (TLAB)
Iyong alalahanin ang mga bagay na ito, Oh Jacob, at Israel; sapagka't ikaw ay aking lingkod: aking inanyuan ka; ikaw ay aking lingkod: Oh Israel, ikaw ay hindi ko malilimutan. Aking pinawi na parang masinsing ulap ang iyong mga pagsalangsang, at, parang alapaap, ang iyong mga kasalanan: manumbalik ka sa akin; sapagka't tinubos kita. Magsiawit, Oh kayong mga langit, sapagka't nilikha ng Panginoon; kayo'y magsihiyaw, mga lalong mababang bahagi ng lupa: kayo'y magbiglang magsiawit, kayong mga bundok, Oh gubat, at bawa't punong kahoy na nandiyan: sapagka't tinubos ng Panginoon ang Jacob, at magpapakaluwalhati sa Israel. Ganito ang sabi ng Panginoon, ng iyong Manunubos, at niyang naganyo sa iyo mula sa bahay-bata, Ako ang Panginoon na gumagawa ng lahat na bagay; na naglaladlad, na magisa ng langit; na naglalatag ng lupa; Na sumisira ng mga tanda ng mga sinungaling, at nagpapaging ulol sa mga manghuhula; na nagpapaurong sa mga pantas, at nagpapaging kamangmangan ng kanilang kaalaman; Na nagpapatatag ng salita ng kaniyang lingkod, at nagsasagawa ng payo ng kaniyang mga sugo; na nagsasabi ng tungkol sa Jerusalem, Siya'y tatahan; at tungkol sa mga bayan ng Juda, Mangatatayo, at aking ibabangon ang mga sirang dako niyaon: Na nagsasabi sa kalaliman, Ikaw ay matuyo, at aking tutuyuin ang iyong mga ilog; Na nagsasabi tungkol kay Ciro, Siya'y aking pastor, at isasagawa ang lahat kong kaligayahan: na nagsasabi nga rin tungkol sa Jerusalem, Siya'y matatayo; at sa templo, Ang iyong patibayan ay malalagay.
Isaias 44:21-28 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Sinabi ni Yahweh, “Tandaan mo Israel, ikaw ay aking lingkod. Nilalang kita upang maglingkod sa akin. Hindi kita kakalimutan. Ang pagkakasala mo'y pinawi ko na, naglahong ulap ang katulad; Ika'y manumbalik dahil tinubos na kita at pinalaya. Magdiwang kayo, kalangitan! Gayundin kayo kalaliman ng lupa! Umawit kayo, mga bundok at kagubatan, sapagkat nahayag ang karangalan ni Yahweh nang iligtas niya ang bansang Israel. “Akong si Yahweh, na iyong Tagapagligtas, ang lumikha sa iyo: Ako ang lumikha ng lahat ng bagay. Ako lamang mag-isa ang nagladlad nitong kalangitan, at nag-iisa ring lumikha ng sanlibutan. Aking binibigo ang mga sinungaling na propeta at ang mga manghuhula; ang mga marurunong ay ginagawang mangmang, at ang dunong nila'y ginawang kahangalan. Ngunit ang pahayag ng mga lingkod ko'y pawang nagaganap, at ang mga payo ng aking mga sugo ay natutupad; ako ang maysabing darami ang tao sa Jerusalem, muling itatayo ang mga gumuhong lunsod sa Juda. Isang utos ko lamang, natutuyo ang karagatan. Ang sabi ko kay Ciro, ‘Ikaw ang gagawin kong tagapamahala. Susundin mo ang lahat ng ipapagawa ko sa iyo. Ang Jerusalem ay muli mong ipatatayo, gayundin ang mga pundasyon ng Templo.’”
Isaias 44:21-28 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)