Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Isaias 43:4-5 - Compare All Versions

Isaias 43:4-5 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))

Ibibigay ko ang mga bansa para lang maligtas ka, sapagkat mahalaga ka sa akin; mahal kita, kaya't pararangalan kita. Huwag kang matakot, sapagkat ako'y kasama mo! Titipunin ko kayo mula sa dulong silangan hanggang sa kanluran, at ibabalik ko kayo sa inyong dating tahanan.

Isaias 43:4-5 ASD (Ang Salita ng Diyos)

Ibibigay ko ang ibang mga tao bilang kapalit mo, dahil ikaw ay marangal at mahalaga sa aking paningin, at dahil mahal kita. Huwag kang matatakot sapagkat kasama mo ako. Titipunin ko ang iyong mga lahi mula sa silangan hanggang sa kanluran.

Isaias 43:4-5 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))

Ibibigay ko ang mga bansa para lang maligtas ka, sapagkat mahalaga ka sa akin; mahal kita, kaya't pararangalan kita. Huwag kang matakot, sapagkat ako'y kasama mo! Titipunin ko kayo mula sa dulong silangan hanggang sa kanluran, at ibabalik ko kayo sa inyong dating tahanan.

Isaias 43:4-5 TLAB (Ang Biblia)

Yamang ikaw ay naging mahalaga sa aking paningin, at kagalanggalang, at aking inibig ka; kaya't magbibigay ako ng mga tao na pinakatubos sa iyo, at ng mga bayan na pinakatubos sa iyong buhay. Huwag kang matakot, sapagka't ako'y sumasaiyo: aking dadalhin ang iyong lahi mula sa silanganan, at pipisanin kita mula sa kalunuran

Isaias 43:4-5 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))