Isaias 42:5-6
Isaias 42:5-6 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang Diyos na si Yahweh ang lumikha ng kalangitan, nilikha rin niya ang lupa at nagbigay-buhay sa lahat ng bagay dito sa daigdig, kaya't sinabi ng Diyos na si Yahweh sa kanyang lingkod, “Akong si Yahweh ang tumawag sa iyo sa katuwiran, binigyan kita ng kapangyarihan upang pairalin ang katarungan sa daigdig. Sa pamamagitan mo ay gagawa ako ng kasunduan sa lahat ng tao, at sa pamamagitan mo'y dadalhin ko ang liwanag sa lahat ng bansa.
Isaias 42:5-6 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Ito ang sinabi ng Diyos, ang PANGINOON na lumikha ng langit na iniladlad niyang parang tela. Nilikha niya ang mundo at ang lahat ng naroroon. Siya rin ang nagbibigay ng buhay sa mga tao at sa lahat ng nilikhang nabubuhay sa mundo. “Ako ang PANGINOON na tumawag sa iyo para ipakita na akoʼy matuwid. Tutulungan at iingatan kita, at sa pamamagitan mo gagawa ako ng kasunduan sa mga tao. Gagawin kitang ilaw na magbibigay-liwanag sa mga bansa
Isaias 42:5-6 Ang Biblia (TLAB)
Ganito ang sabi ng Dios na Panginoon, na lumikha ng langit, at nagladlad ng mga yaon; siyang naglatag ng lupa at ng nagsisilitaw rito; siyang nagbibigay ng hinga sa bayang nito, at ng diwa sa kanila na nagsisilakad dito: Ako, ang Panginoon, ay tumawag sa iyo sa katuwiran, at hahawak ng iyong kamay, at magiingat sa iyo, at ibibigay kita na pinakatipan sa bayan, na pinakaliwanag sa mga bansa
Isaias 42:5-6 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ang Diyos na si Yahweh ang lumikha ng kalangitan, nilikha rin niya ang lupa at nagbigay-buhay sa lahat ng bagay dito sa daigdig, kaya't sinabi ng Diyos na si Yahweh sa kanyang lingkod, “Akong si Yahweh ang tumawag sa iyo sa katuwiran, binigyan kita ng kapangyarihan upang pairalin ang katarungan sa daigdig. Sa pamamagitan mo ay gagawa ako ng kasunduan sa lahat ng tao, at sa pamamagitan mo'y dadalhin ko ang liwanag sa lahat ng bansa.
Isaias 42:5-6 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)